ANG MALUWALHATING PAG-AAKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHEN
August 15: Solemnity of the Assumption of Mary
Readings: Rev 11:19, 12:1-6; 1 Cor 15:20-26
Gospel: Luke 1:39-56
This feast has been celebrated in the East since the sixth century. It was introduced in Rome in the seventh century. On Nov. 1,1950 Pope Pius XII defined the Dogma of the assumption. He solemnly proclaimed that the Blessed Virgin Mary was taken up body and soul into the glory of heaven at the end of her life. This feast confirms us in the virtue of hope, whereby we seek holiness of life in the midst of our ordinary duties. At the same time, it exhorts us to see heaven our final home.(Ordo 2010, Cycle C, Year II)
Ang “pinangalagaang maging malaya mula sa lahat ng bahid dungis ng kasalanang-mana, ang kalinis-linisang Birhena, ay iniakyat – katawan at kaluluwa – sa makalangit na kaluwlahatian pagkatapos ng kanyang paglagi sa lupa.” Sa pag-aakyat sa kanya sa langit upang makapisan ang kanyang Anak na si Kristong nabuhay na mag-uli, at sa kaganapan ng kanyang katauhan, ipinahahayag ni Maria ang kaganapan ng gawaing pagtubos ng Diyos para sa ating lahat, “isang palatandaan ng tiyak na pag-asa at kaginhawaan para sa naglalakbay na bayan ng Diyos.” [KPK 524]
Ang dalawang natatanging karapatan ni Maria, ang Kalinis-linisang Paglilihi sa kanya at ang Maluwalhati niyang Pag-aakyat sa Langit, ay hindi mga taliwas na aral na naghihiwalay sa atin kay Maria. Sa halip ang mag ito’y mga natatanging karapatan ng kaganapan at kabuuan. Ang biyaya ni Maria ay pangkalahatang ibinabahagi: ang kanyang natatanging karapatan ay yaong sa kaganapan. Iginagawad ang dalawang natatanging karapatang ito sa pamamagitan ng presensiya ng Espiritu, na kung saan tayong lahat ay tinatawag upang makibahagi. Kaya inilalagay nila si Maria sa pinakabuod ng lahat ng mga tao at ng Simbahan. [KPK 525]
Sa parktikal na pananalita, nangagahulugan ito na tulad ni Kristong walang kasalanan, si Maria ay hindi nabulag o nalito ng kapalaluan o huwad na pagkamasarili. Higit na ganap at tunay na “makatao” kaysa atin, kaya tunay na napahahalagahan ni Maria ang mga pagsubok at kabiguan nating mga tao. [KPK 525]
Ang mga biyayang ito’y ibinigay kay Maria alang-alang sa kanyang bukod-tanging tungkuling gagampanan sa plano ng Diyos na iligtas ang lahat sa pamamagitan ng mapangtubos na misyon ni Jesus. [KPK 525]
Ang mapitagang kahulugan ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria, katawan at kaluluwa, ay nagbibigay sa atin ng isang konkretong huwaran ng bagong sangnilikha ito. Si Maria ang unang ganap na nakibahagi sa muling pagkabuhay ni Kristo. Nakita na natin si Maria bilang unang anak, ang huwaran at Ina ng Simbahang naglalakbay. Ngayon sa diwang kaugnay ng kanilang hantungan, pinag-uugnay si Maria at ang Simbahan. Ganito inuunawa ng Tradisyon ang teksto mula sa Pahayag: “Lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaeng nararamtan ng araw, at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin” (Pah 12:1). Ipinahayag ng Vaticano II: “Samantala, sa kadakilaang taglay niya sa katawan at kaluluwa sa langit, ang Ina ni Jesus ang larawan at simula ng Simbahang magiging ganap sa darating na panahon. Gayundin, nagniningning siya sa lupa bilang tanda ng tiyak na pag-asa at kaginhawaan sa naglalakbay na Sambayanan ng Diyos hanggang sa dumating ang araw ng Panginoon.(LG 68) [KPK 2080]
Para sa Pilipinong Kristiyano, si Maria marahil ang pinakamabuting tulong sa pagkakaroon ng personal na pagkaunawa kung ano ang inihanda ng Diyos para sa mga nagmamahal sa Kanya. [KPK 2080]
------------------------
Source: Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
Source image: LARAWAN: Gabay sa Katekesis [CFAM] http://www.flickr.com/photos/arthurofthechildjesus/4768977399/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento