Pages

6.05.2011

A PRAYER FOR CATECHISTS

We pray you, Almighty Father for our catechists.
Increase their number.
Unite them to you then they shall be holy and will draw others to you.
In our world, confuse and restless as it is - you have chosen them and made them messengers of your saving Truth; to be echoes of your Word in the hearts of the people of their times.
May they radiate you and present themselves as your witnesses in their words and their deeds.

Lord Jesus, grant our catechists the grace to realize in their lives the mystery of your death and resurrection which they celebrate as they partake in that mystery full of wonder - the holy sacrifice of the Mass.
May they constantly draw from this mystery a great concern for the salvation of the world.
Grant them an extraordinary love for your one, holy, catholic Church.
Where there is no love - let them bring love: to the poor and little; to all who hunger for the bread of God's Word.

Come Holy Spirit, we have need to be taught by you in all things.
Be with our catechists so that they may teach as Jesus taught.
Console them in their weariness; strengthen their spirit - that in you and through you that they may live the faith and even die for it - as did Saint Lorenzo Ruiz.
Amen.

6.04.2011

Kwentuhan sa pag-uugnay ng bawat isang kabataan


Katangi-tangi ang karanasan ng bawat isang kabataan. Lagi silang nagsisimula sa ordinaryong karanasan ng isang karaniwang tao na common sa bawat isa. Nais nilang ipakita na ang pag-unawa ay uprooted sa ating konteksto ng pagdanas nila sa kanilang mga karanasan. Isa sa mga karanasan na direkta nilang hinahambing ang pag-unawa ay ang ordinaryong pakikipagkwentuhan.  Walang sinuman ang may hawak o may control  ng patutunguhan ng kwentuhan. Laging dinadala ang nag-uusap sa isang katotohanan na hindi nila kapwa sinasadya. Sa paghahambing na ito, nagkaroon  modernindad na ang pag-unawa ang mga kabataan sa bawat isa.      
          Hindi maaring magkaroon ng kwentuhan kapag isa lamang ang nagsasalita. Ang kwentuhan ay laging binubuo ng dalawa o higit pang tao na mayroong kagandahang-loob. Kagandahang-loob sapagkat kapwa may pagtanggap ng bawat isa sa pagkatao ng kausap. Nag-uusap ang dalawang tao sapagkat mayroon silang paksang pinaguusapan. Ito ay hindi lamang tungkol sa kanilang sarili. Ito ay mas mabigat pa kaysa sa dalawang nag-uusap. Ang paksa ay isang tanong na nangangailangan ng isang matinong sagot. Sa kwentuhan may palitan ng kaniya-kaniyang opinyon, magkasalungat man o hindi. Kaya nga sa pangyayari ng pag-unawa, kapwa mayroong pagbabagong nagaganap sa dalawang nagkwentuhan sa kanilang pagtingin sa isang bagay. Mayroong paglawak ang kanilang mga abot-tanaw.
          Ang tao ang umuunawa ayon sa kaniyang karanasan sa daigdig. Bagamat limitado mayroon silang paunang pag-angkin sa isang katotohanan na maaring sangkap sa pagbuo ng malawak na pagtingin sa katotohanan.  Kaya nga, ang pagsapit sa katotohanan ng ating pag-unawa ay hindi lamang nagmumula sa isang suggestion. Ito ay nabubuo sa pamamgitan ng palitan ng pag-unawa at pagkakasundo ng dalawang taong nag-uusap.
         Sumasapit sa pag-unawa ang nagkukukwentuhan sapagkat bukas ang bawat isa sa opinyon ng kausap. Mayroon silang kahandaan na tanggapin ang pagpapahayag ng bawat isa bilang may taglay na halaga at karunungan. Kaya nga mas makahulugan kung tatawagin nating “katapat” ang kakukwentuhan. Katapat sapagkat ang kausap ay hindi lamang nakaharap sa kausap. Ka-tapat, ibig sabihin, siya ay katulad kong tapat. Ang dalawang nag-uusap ay buong tapat na nagsasalaysay at nag-aako ng kaniya-kaniyang karanasan. Kapwa nila dinadala ang kanilang mga sarili sa tagpo ng pakikipagkwentuhan .
          Ang ang pagkakasundo ay nangyayari  hindi lamang dahil magkatulad ang pananaw ng dalawang nag-uusap. Ito ay nagaganap din sa pagitan ng dalawang magkaibang pananaw. Maari ito sapagkat, tulad ng sinasabi na laging mayroong paggalang at pagtanggap ang bawat isa sa kaibahan ng opinyon ng iba. Tinitimbang ng bawat isa ang argumento ng kausap at pinag-iisipan. Hindi nila ipinapataw ang kanilang mga sariling pananaw. Ang pagkakasundo sa sitwasyong ito ay pagkakasundo na sila ay hindi magkasundo.   
----------------------------------------------------------------------------
Neil Catapang, Katekista ng Archdiocese of Manila [Area of Samapaloc]

Love Encounter at CFAM Youth Day


Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig o pagmamahal, nagagawa nito ang lahat ng mga bagay na imposible sa possible. Katulad nang nangyari sa katatapos pa lamang na CFAM Youth Day noong nakaraang ika-19 ng Mayo, 2011 na ginanap sa Nazarene Catholic School. Dito ang imposible ay naging posible sa pamamagitan sa pagtugon sa tawag ng pag-ibig ng Diyos sa bawat kabataan dumalo sa naturang CFAM youth day. 
Mahigit 600 na kabataan ang nakiisa, nakisayaw sa Araw ng mga Kabataan na ito. Ang bawat Diyosesis ng Metropolitan Manila ay may kanya-kanyang delegado sa pagdiriwang ng mga kabataan. Ang temang “God’s Plan of Love for Humanity” ay “in” na “in” sa mga kabataan sapagakat pinag-usapan dito kung ano ang salitang “love” o pag-ibig  na nararanasan ng bawat isang kabataan na natutong umibig at magmahal.
Maraming kabataan ang sumubok na umibig, sila ay nabigo at nagtagumpay sa tawag sa larangan ng pag-ibig ngunit hindi sila sumusuko na tuklasin ang dulot na kaligayahan nito. Sa pagbabahagi ni Fr. Michell Joe Zerrudo tungkol sa pag-ibig marami ang naka-relate at kinilig at lahat ay interesado na pakinggan ang bawat salitang binibitawan niya.  
Sinabi ni Fr. Jojo na ang pag-ibig ay isang napaka-makapangyarihang puwersa na handa ang lahat na subukin ito.  Sinabi pa niya na kailangang ang bawat isa ay marunong mag- sakripisyo at maging malikhain sa pagtuklas ng pag-ibig. Kitang kita sa mga mukha ng mga kabataan na lumahok ang kagalakan sa mga narinig na ibinahagi ni Fr. Jojo.  
May mga kabataan nagsulat sa kanilang kuwaderno, nagrecord sa kanilang mga cell phone at higit sa lahat ang iba naman ay na in- love na yata dahil hindi mapakali sa paglingon at paghahanap ng kanilang matitipuhan. Sa pagtatapos ng pagbabahagi ni Fr. Jojo, may iniwan siyang mga katanungan na pagbabahaginan ng mga kabataan sa kanilang small group sharing activity.  Ang unang katanungan ay ano ang “significance learning” ng pag-ibig sa nararanasan mo ngayon, ikalawa, anu-ano ang mga “challenges” sa iyo bilang kabataan, sa tingin mo ano ang magiging hadlang at ikatlo, ano ang gagawin mong “commitment” bilang isang kabataan.
Sa aking pagmamasid sa kanilang pagbabahaginan ng mga kanilang karanasan bilang mga kabataan, ay makikita mo ang kanilang pagiging bukas-palad na pagtanggap sa mga problema at kanila itong ipinapa sa Diyos na lamang. Likas sa kanilang kultura bilang kabataan ang magkaroon ng mga puppy love at crush. Marami sa mga kabataang kalahok sa nasabing youth day na sila ay pumasok na sa isang relasyon o ang boyfriend/girlfriend love relationship. Marami ang nagsasabi na sila ay nagtatagal at ang iba naman ay inaabot lamang ng dalawang buwan sa relasyon na ito, marami din naman sa mga kalahok sa youth day na nagsasabing sila ay single since birth o wala pa nasusubukan na karelasyon o di lang sila ligawin sa mga babae at sa mga kalalakihan naman ay nagsasabi na sila ay mahiyain pagdating sa panliligaw or “emo” tulad ng sinabi ng isang kabataan na mula pa sa Novaliches.
------------------------------------------------------------------------------------------------- 
Neil Catapang, Katekista ng Archdiocese of Manila [Area of Samapaloc]

6.03.2011

MGA MATA NI NORA

Nora Aunor
Katulad sa isang aklat na may maraming pahina
Ang mata nya'y maihahambing sa naroong kabanata
Iba't ibang kasaysayan ang doon ay mababadha
At sa iyong harapan ay bumubukas itong kusa

Basahin ang kanyang mata't may salitang inuusal
Tinig nito'y bumubulong mga natatanging bagay
Mga yugtong lumipas na't mga kahapong nagdaan
Ang ngayon at yaong bukas ay iyo ring matatanaw.

Hindi na nga kailangang bumukas pa kanyang bibig
At sa tainga mo'y idampi ang malamyos niyang tinig
Kamay man nya'y di igalaw o katawa'y itagilid
Mata n'ya ang mangungusap sa puso mo ay aantig.

Kayraming mga buhay nang nahipo ng kanyang mata
Kayrami ng nakaranas kalungkutan man at saya
Numingning man o lumamlam idilat man o isara
Tumatagos, umuukit sa diwa at kaluluwa.

Mata n'ya ang sa puso ko ay ang unang nagpatibok
Humabi ng pangarap at sa buhay ko ay lumilok
Magsara man yaong tabing at ang aklat ay tumiklop
Sa puso ko kanyang mata'y nakatayong parang moog.

------------------------------------------------------------------------------------------------------
May Akda:  Mercy Masangcay