Pages

6.04.2011

Love Encounter at CFAM Youth Day


Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig o pagmamahal, nagagawa nito ang lahat ng mga bagay na imposible sa possible. Katulad nang nangyari sa katatapos pa lamang na CFAM Youth Day noong nakaraang ika-19 ng Mayo, 2011 na ginanap sa Nazarene Catholic School. Dito ang imposible ay naging posible sa pamamagitan sa pagtugon sa tawag ng pag-ibig ng Diyos sa bawat kabataan dumalo sa naturang CFAM youth day. 
Mahigit 600 na kabataan ang nakiisa, nakisayaw sa Araw ng mga Kabataan na ito. Ang bawat Diyosesis ng Metropolitan Manila ay may kanya-kanyang delegado sa pagdiriwang ng mga kabataan. Ang temang “God’s Plan of Love for Humanity” ay “in” na “in” sa mga kabataan sapagakat pinag-usapan dito kung ano ang salitang “love” o pag-ibig  na nararanasan ng bawat isang kabataan na natutong umibig at magmahal.
Maraming kabataan ang sumubok na umibig, sila ay nabigo at nagtagumpay sa tawag sa larangan ng pag-ibig ngunit hindi sila sumusuko na tuklasin ang dulot na kaligayahan nito. Sa pagbabahagi ni Fr. Michell Joe Zerrudo tungkol sa pag-ibig marami ang naka-relate at kinilig at lahat ay interesado na pakinggan ang bawat salitang binibitawan niya.  
Sinabi ni Fr. Jojo na ang pag-ibig ay isang napaka-makapangyarihang puwersa na handa ang lahat na subukin ito.  Sinabi pa niya na kailangang ang bawat isa ay marunong mag- sakripisyo at maging malikhain sa pagtuklas ng pag-ibig. Kitang kita sa mga mukha ng mga kabataan na lumahok ang kagalakan sa mga narinig na ibinahagi ni Fr. Jojo.  
May mga kabataan nagsulat sa kanilang kuwaderno, nagrecord sa kanilang mga cell phone at higit sa lahat ang iba naman ay na in- love na yata dahil hindi mapakali sa paglingon at paghahanap ng kanilang matitipuhan. Sa pagtatapos ng pagbabahagi ni Fr. Jojo, may iniwan siyang mga katanungan na pagbabahaginan ng mga kabataan sa kanilang small group sharing activity.  Ang unang katanungan ay ano ang “significance learning” ng pag-ibig sa nararanasan mo ngayon, ikalawa, anu-ano ang mga “challenges” sa iyo bilang kabataan, sa tingin mo ano ang magiging hadlang at ikatlo, ano ang gagawin mong “commitment” bilang isang kabataan.
Sa aking pagmamasid sa kanilang pagbabahaginan ng mga kanilang karanasan bilang mga kabataan, ay makikita mo ang kanilang pagiging bukas-palad na pagtanggap sa mga problema at kanila itong ipinapa sa Diyos na lamang. Likas sa kanilang kultura bilang kabataan ang magkaroon ng mga puppy love at crush. Marami sa mga kabataang kalahok sa nasabing youth day na sila ay pumasok na sa isang relasyon o ang boyfriend/girlfriend love relationship. Marami ang nagsasabi na sila ay nagtatagal at ang iba naman ay inaabot lamang ng dalawang buwan sa relasyon na ito, marami din naman sa mga kalahok sa youth day na nagsasabing sila ay single since birth o wala pa nasusubukan na karelasyon o di lang sila ligawin sa mga babae at sa mga kalalakihan naman ay nagsasabi na sila ay mahiyain pagdating sa panliligaw or “emo” tulad ng sinabi ng isang kabataan na mula pa sa Novaliches.
------------------------------------------------------------------------------------------------- 
Neil Catapang, Katekista ng Archdiocese of Manila [Area of Samapaloc]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento