Katangi-tangi ang karanasan ng bawat isang kabataan. Lagi silang nagsisimula sa ordinaryong karanasan ng isang karaniwang tao na common sa bawat isa. Nais nilang ipakita na ang pag-unawa ay uprooted sa ating konteksto ng pagdanas nila sa kanilang mga karanasan. Isa sa mga karanasan na direkta nilang hinahambing ang pag-unawa ay ang ordinaryong pakikipagkwentuhan. Walang sinuman ang may hawak o may control ng patutunguhan ng kwentuhan. Laging dinadala ang nag-uusap sa isang katotohanan na hindi nila kapwa sinasadya. Sa paghahambing na ito, nagkaroon modernindad na ang pag-unawa ang mga kabataan sa bawat isa.
Hindi maaring magkaroon ng kwentuhan kapag isa lamang ang nagsasalita. Ang kwentuhan ay laging binubuo ng dalawa o higit pang tao na mayroong kagandahang-loob. Kagandahang-loob sapagkat kapwa may pagtanggap ng bawat isa sa pagkatao ng kausap. Nag-uusap ang dalawang tao sapagkat mayroon silang paksang pinaguusapan. Ito ay hindi lamang tungkol sa kanilang sarili. Ito ay mas mabigat pa kaysa sa dalawang nag-uusap. Ang paksa ay isang tanong na nangangailangan ng isang matinong sagot. Sa kwentuhan may palitan ng kaniya-kaniyang opinyon, magkasalungat man o hindi. Kaya nga sa pangyayari ng pag-unawa, kapwa mayroong pagbabagong nagaganap sa dalawang nagkwentuhan sa kanilang pagtingin sa isang bagay. Mayroong paglawak ang kanilang mga abot-tanaw.
Ang tao ang umuunawa ayon sa kaniyang karanasan sa daigdig. Bagamat limitado mayroon silang paunang pag-angkin sa isang katotohanan na maaring sangkap sa pagbuo ng malawak na pagtingin sa katotohanan. Kaya nga, ang pagsapit sa katotohanan ng ating pag-unawa ay hindi lamang nagmumula sa isang suggestion. Ito ay nabubuo sa pamamgitan ng palitan ng pag-unawa at pagkakasundo ng dalawang taong nag-uusap.
Sumasapit sa pag-unawa ang nagkukukwentuhan sapagkat bukas ang bawat isa sa opinyon ng kausap. Mayroon silang kahandaan na tanggapin ang pagpapahayag ng bawat isa bilang may taglay na halaga at karunungan. Kaya nga mas makahulugan kung tatawagin nating “katapat” ang kakukwentuhan. Katapat sapagkat ang kausap ay hindi lamang nakaharap sa kausap. Ka-tapat, ibig sabihin, siya ay katulad kong tapat. Ang dalawang nag-uusap ay buong tapat na nagsasalaysay at nag-aako ng kaniya-kaniyang karanasan. Kapwa nila dinadala ang kanilang mga sarili sa tagpo ng pakikipagkwentuhan .
Ang ang pagkakasundo ay nangyayari hindi lamang dahil magkatulad ang pananaw ng dalawang nag-uusap. Ito ay nagaganap din sa pagitan ng dalawang magkaibang pananaw. Maari ito sapagkat, tulad ng sinasabi na laging mayroong paggalang at pagtanggap ang bawat isa sa kaibahan ng opinyon ng iba. Tinitimbang ng bawat isa ang argumento ng kausap at pinag-iisipan. Hindi nila ipinapataw ang kanilang mga sariling pananaw. Ang pagkakasundo sa sitwasyong ito ay pagkakasundo na sila ay hindi magkasundo.
----------------------------------------------------------------------------
Neil Catapang, Katekista ng Archdiocese of Manila [Area of Samapaloc]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento