Pages

4.20.2011

IKA-APAT NA ISTASYON: ANG PAGHAMPAS KAY JESUS AT PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami. 


Juan 19:1-6
Noon ng ay pinahuli ni Pilato si Jesus at ipinahampas.  Ang mga kawal naman ay gumawa ng isang koronang tinik, kanilang ipinatong sa kanyang ulo at nilagyan ng balabal na purpura; nagsilapit sila sa kanya na ganito ang sinasabi, “Aba, hari ng mga Hudio!”  at saka pinagsasampal.
Lumabas na uli si Pilato at sinabi sa kanila, “Narito’t inilalabas ko siya sa inyo, upang inyong makilala na wala akong matagpuan sa kanya na ano mang kasalanan.”  Lumabas nga si Jesus na may putong na koronang tinik at may suot na balabal na purpura.  At winika niya sa kanila, “Tingnan ninyo ang tao!”  Nang makit siya ay nagsigawan ang mga punong pari at mga bantay, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus!”
Nang walang makitang katwiran upang ipapatay si Jesus, si Pilatao ay gumawa ng paraan upang maglubag ang kalooban ng bayan at huwag siyang isuplong sa emperador.  Ipinahampas ng katakut-yakot si Jesus na nakatali sa haliging bato at pinutungan koronang tinik.  Iniharap siya sa bayan at winika ni Pilato: “Ecce Homo! Masdan ang tao!  Tingnan ang inyong hari.”  Inaakala niya na ang mga tao ay malulunos sa kanya at hindi na ihingin ang kanyang kamatayan.
Subalit lalong nilakasanng bayan ang sigaw: “Ipako siya sa krus!”  Tiniis ni Jesus ang mga hampas, hagupit at koronang tinik upang bayaran an gating mga kasalanan sa isip at sa kalayawan ng katawan.

[Maikling Katahimikan]

Ama Nami . . . . .
         Aba Ginoong Maria . . . . .
                                Luwalhati . . . . .
-----------------------------------------------------------------------------------------

IKATLONG ISTASYON: SI JESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.

Juan 18:33-37
Muling pumasok si Pilato sa pretoryo at pagkatawag kay Jesus ay tinanong sa kanya, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudio?”  Sumagot si Jesus, “Iyan ba ay sinasabi mo sa ganang sarili mo o sinasabi sa iyo ng iba tungkol sa akin?”  Ako ba’y Hudio?” ang tanong ni Pilato.  “Ikaw ay ibinigay sa akin ng iyong bansa at ng mga punong pari; ano ba ang nagawa mo?”  Tumugon si Jesus, “Hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian; kuna ang aking kaharian ay sa daigdig na ito, ipagtatanggol sana ako ng aking mga lingcod upang hindi ako mahulog sa kamay ng mga Hudio, datapuwat ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”
Kaya winika sa kanya ni Pilato, “Kung gayon, ikaw ba’y hari?”  Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabi na ako’y hari.  Ito nga ang dahilan kung bakit ipinanganak ako at at naparito ako sa daigdig: upang patunayan ang katotohanan.”
Iniharap si Jesus sa dalawang hukuman: ang Sanedrin, na hukumang relihiyoso at ang kay Pilato upang hatulang sibil.  Kinaladkad siya sa harap ni Poncio Pilato upang hatulan ng kamatayan batay sa mga sumbong na hindi totoo, na diumanao’y sa emperador at ginagawang hari ang sarili.
“Ikaw ba ay hari?” tanong ni Pilato kay Kristo.  Isinagot niya, “Sinasabi mo na ako ay hari.  Ito ang dahilan kung bakit naparito ako sa daigdig upang patunayan ang katotohanan.  Ngunot ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”
Ipinahampas ni Pilato ang Panginoon, pinutungan ng koronang tinik, sinuotan ng damit na purpura at nilagyan ng tambo sa kamay bilang isang setrong hari.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                Luwalhati . . . . .
-------------------------------------------------------------------------------------------------


IKALAWANG ISTASYON: SA HALAMANAN NG GETSEMANI

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Lucas 22:42-44
“Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kalis na ito.  Gayon man, huwag mangyari ang aking kalooban kundi ang iyo.”  At nagpakita sa kanya ang isang anghel na galing sa langit at inaliw siya.  At sa kanyang matinding pagkahapis ay lalong naging mataimtim ang kanyang panalangin; at pinawisan siya ng malalaking patak ng dugo na tumutulo sa lupa.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                             Luwalhati . . . . .
-------------------------------------------------------------------------------------------------

4.17.2011

UNANG ISTASYON: ANG HULING HAPUNAN

Sinasamba ka naming at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.

Lucas 22:19-20
At pagkakuha ng tinapay, nagpasalamat siya, pinaghati-hati ito at ibinigay sa kanila na ang wika, “Ito ang aking katawan, na ibinibigay nang dahil sa inyo; gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.”  Gayon din ang ginawa niya sa kalis, pagkatapos ng hapunan, na ganito ang sinasabi, “Ang kalis na ito ay ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos dahil sa inyo.”


Pagninilay:
Panginoon, sa Huling Hapunan, itinatag mo ang Banal na Eukaristiya upang bahaginan kami ng iyong buhay at ipagpatuloy ang iyong paghahandog ng sarili sa anyo ng tinapay at alak.
”Ito ang aking katawan...”
Mga salitang nag-aanyaya na ’halika, tanggapin mo ako.’  Ngunit, ilang beses ba kitang tinatanggihan na tanggapin sa iyong piging na inihahanda?  Halos hindi ako nakikiisa sa salu-salo mo kung saan ikaw ang espesyal na handa.  Pagkaing-nagbibigay buhay.  Pagkaing hindi lamang kailangan ng aking katawan kundi ng kaluluwa ko.
Mas pinapakinggan ko ang paanyaya ng mundo.  Nand’yan ang mga malls na nagsasabing, ’halika, bilhin mo ako, gaganda ang iyong katawan.’  Kaya, mas maraming oras ang inilalagi ko sa loob ng malls.  Kaakit-akit ang mga palamuti sa katawan na naka-display.  Nabubusog ang aking mga mata sa mga nakikita ko sa loob ng malls.  Hindi nakababagot ang bawat sandali.  Maingay.  Masaya. Busy ang lahat.
Nand’yan din ang mga computer shop na nag-aanyaya na, ’halika, maglaro tayo.’  Kausapin mo ako.  Pagmasdan mo ang aking katawan.  Nakakaaliw at kamangha-mangha ang bagong teknolohiya.  Nakaka-enjoy.  Kaya, hindi ko napapansin ang bawat sandali, kung ilang oras na ang inilalagi.
’Halika, kainin mo ako.  Ako ang sagot sa iyong sikmurang nag-aalburuto sa gutom.’  Sino ba ang makatatanggi sa inaalok ng mga food chains?  Kahit mahal ang mga pagkain, okay lang, sosyal naman ang dating.  Oo, kailangan ng katawan ko ang pagkain ngunit kailangan din ng aking kaluluwa ang pagkain na hindi naibibigay ng mga food chains at restaurants.
Mga huwad na tinig din ang nag-aanya mula sa mga higanteng billboard na nangangako ng magandang buhay.  Iba’t-ibang patalastas.  Iba’t-ibang pangako.  Walang kasiguraduhang buhay.
Ito ang aking katawan...ang alok ng mga nakabilad na katawan para sa panandaliang ligaya.
Ito ang aking katawan...bagong unat...bagong tapyas…bagong batak…bagong ukit…
Ito ang aking katawan…lango sa alak…adik sa droga,  umuusok sa sigarilyo, sugapa sa sugal…
Katawan...katawan...ohh...katawan...napapagod na ang aking katawan sa iba’t-ibang tinig na tumatawag...’di ko na alam kung sino ang pakikinggan...
Maraming katawan ang naghihirap...halos walang makain sa araw-araw, walang pahinga sa pagtatrabaho upang mabuhay...may karamdaman...
Panginoon, banal ang aking katawan sapagkat ito ang iyong tirahan.  Kami ang iyong larawan. Pinabanal mo dahil sa iyong grasya.  Patawad kung hindi ko napahahalagahan ang aking katawan. Patawad kung hindi ko napahahalagahan ang iyong Katawan na tanggapin sa Banal na Eukaristiya. 

Panginoon, magkaroon nawa ako ng pakikiramay sa iyong paghihirap, at maiaaly ko rin ang aking katawan sa aking kapwa bilang tagapaglingkod.  Matutunan ko nawang lumapit sa iyo at sikaping magumpisal upang manumbalik ang aking ugnayan sa’yo dahil sa aking pagiging makasarili ito ay nasira.
Panginoon, ito ang aking katawan...nangangailangan ng iyong awa at nagugutom sa iyong pagmamahal.   Akayain mo po ako patungo sa’yo upang matanggap kita ng buo-buo tulad ng pagtangap mo sa akin sa kabila ng aking mga kasalanan. 
Panginoon, ang Iyong Katawan...ang aking lakas...ang aking sigla...ang aking buhay.


[Maikling katahimikan]


Ama Namin . . .
       Aba Ginoong Maria . . .
                Luwalhati . . .
 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



4.10.2011

DAAN NG KRUS


Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.


Sa debosyon ng Daan ng Krus, ating ginugunita ang paghihirap at pagpapakasakit ni Jesukristo, ating Diyos  at Mananakop patungo sa Kalbaryo, upang tubusin ang ating mga kasalanan.  Pagnilayan nating mabuti ang kanyang pinagdaanan at dinanas sa mga lansangan ng Jerusalem upang mabatid ang dakilang pag-ibig ng Diyos at mabigat na sala ng tao.  Pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at mangumpisal upang makiisa ng taos sa puso sa naghihirap na Mananakop at makamit ang isang tunay na pagbabalik-loob sa kanya. 

3.22.2011

MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON


Isan buwan na lang, kaarawan ko na naman.  Higit akong masaya dahil ito ay pumatak sa araw ng Linggo - Linggo ng Muling Pakabuhay ni Jesus. 

Wala na sa aking isipan na meron pala akong sinulat sa aking blog sa mulitply.com noong ipinagdiriwang ko ang aking ikaapatnapu't-isang kaarawan.  Sa aking pagbabalik tanaw sa araw na 'yon, muli kong ibahagi ang akin isinulat bilang paalaala na rin sa aking pangarap o mithiin sa buhay.  Gayundin naman, nawa'y makapagbigay ito ng inpirasyon at mabigay buhay sa aking kapwa.  Ito ay aking pinamagatang.....
----------------------------------------------------------------------------------
 ANG AKING MITHIIN

1.  Mahalaga sa akin ang araw na ito: April 24.  Ang araw na ito, ang aking unang pagtawid mula sa kadiliman patungo sa liwanag.  Sa araw na ito, narinig ang aking unang palahaw.  Sa araw na ito, nadama ko ang init ng pagmamahal ng aking mga magulang sa pamamagitan ng kanilang mga haplos at dampi ng kanilang mga labi sa aking pisngi.  Sila’y nagsaya at nagalak.  Marapat lamang, sapagkat, ito ang araw na ginawa ng Panginoon.  Ito ang araw ng aking kapanganakan.

2.  Masaya ang may kaarawan sapagkat nakatatanggap ng pagbati mula sa mga taong nagmamahal sa kanya. Lalo pa siyang nagiging masaya kung nakatatanggap pa ng mga regalo.  At sobrang saya, kung ito’y ipinagdiriwang na may kasamang handaan.    Tulad ninyo, pinakakaabangan ko rin ang aking “birthday” at ipinagdiriwang.  Ngunit, ang tanging aking mithiin sa aking kaarawan ay makapiling ang Panginoon.  At ito ay nagbibigay sa akin ng kaligayahan.

3.  Kaya naman, sinisikap kong gumising sa madaling araw upang makapagsimba sa alas sais ng umaga.  At ang buong araw na ito, ay nakalaan sa araw ng pananahimik.  Kung ang iba ay kasama nilang nagdiriwang ang kanilang mahal sa buhay: asawa, boypren at girlpren, ako naman, ang ka-date ay ang Panginoon.  Masaya kapag kasama mo ang mahal mo, ‘di ba?  Kung inaasam kong makapiling ang Panginoon, nababatid ko, higit pa ang pagnanais ng Diyos na ako ay makapiling.

4.  At nakakatuwa namang isipin, na sa aking paglapit sa Panginoon sa Banal na Eukaristiya, nakapukaw sa aking damdamin ay ang Tugon sa Pagbasa mula sa Salmo 27: “Ang tanging aking mithiin, Panginoo’y makapiling”.  Dala-dala ko ito sa aking pag-uwi at ang aking baon sa pagninilay.

5.  Sa aking pakikipagtagpo sa Diyos, bumalik sa aking isipan ang aking pangarap sa buhay. Ang pangarap na umusbong halos labing siyam na ang nakakalipas.  Ang pangarap na nagbibigay sa akin ng direksyon, sa pang-araw-araw na buhay.  Ang pangarap na nagbibigay pag-asa, na sa kabila ng mga pagdurusa, ang Panginoon ay aking makakasama.  Ito ang aking pangarap – ang maging “banal”.

6.  Marami akong pangarap sa buhay.  Naalaala ko pa noong nag-aaral ako sa kolehiyo, pinasulat ng aking propesor ang aking mga pangarap.  Noong ako ay bata pa, gusto kong maging isang tanyag na pintor, magkaroon ng magarang bahay at kotse, maging mayaman.  Sa panahon ng aking pagbibinata, nais kong maging ballet dancer, ilustrador, mang-aawit, movie scriptwriter and director, nobelista, at magkaroon ng sariling negosyo.  Bilang isang professional, inasam kong maging pari, monghe, interior designer, photographer, musician, stage actor, ballroom dancer, at magaling na manlalaro ng bowling.  At sa aking pagretiro, pangarap kong magkaroon ng sariling retreat house, bahay para sa mga street children at matatanda  at makapaglakbay sa buong mundo. Marami pa akong gustong abutin na hindi ko na isinulat.  Libre naman ang mangarap, di ba?  Mas malungkot kung wala akong pangarap.

7.  Sa dami ng aking mga pangarap, ang tanong ngayon, Ano ang pangarap ng Diyos para sa akin?  Ang mga pangarap ko ba ay pangarap din ng Diyos sa akin?  O, ang pangarap ba ng Diyos ang siyang aking naging pangarap?

8.  Pinangarap ko bang maging katekista?  Ang sagot ko: hindi kailanman.  Pero, bakit ako naging katekista?  At hanggan ngayon, ay katekista pa rin.  At nagnanais na mamamatay bilang isang katekista.  Salamat sa Diyos, ako ay naging katekista.

9.  Sa pagiging katekista ko, nabuo ang aking pananaw sa buhay, ang pangarap na maging banal.  Sa pagiging katekista ko, nabuksan ang aking isipan sa mga biyaya ng Diyos.  Nabuksan ang aking kalooban sa kalooban ng Diyos.  Nakita ko kung gaano ako kamahal ng Diyos.  Naranasan ko ang kagandahang-loob ng Diyos.  Tunay ngang Siya ay kasama ko!

10.  ‘Di lamang ako tinawag kundi pinili ng Diyos na maging katekista.  Ang Diyos na pumili sa akin ay ang Diyos na Banal.  Kung kaya nga ang katekista ay banal (Guide for Catechist) at nagpapakabanal.  Sabi nga sa awiting “Go Forth and Teach” na sinulat ni Bishop Soc Villegas: “Catechists of Christ, how blessed you are.  Catechists, be what you are…..  We are called to be saints in Christ.” 

11.  Ang kabanalan ay ang pakikipagtagpo sa kalooban ni Kristo, ang pagtahak sa landas ni Kristo.

12.  Ang tawag sa kabanalan ay hindi lamang para sa katekista, pari at madre, kundi sa lahat ng binyagan.  At ang lahat ng kristiyano ay katekista.  Anuman ang iyong lahi, kasarian, edad, kulay, kalalagayan sa lipunan, mahirap man o mayaman, anuman ang iyong katangian at kakayahan, lahat tayo ay tinatawag na maging banal.  Hindi lamang ako ang tinatawag na maging banal kundi tayong lahat. 

13.  Kung ako ay pintor, tinatawag ako sa kabanalan.  Kung ako ay may magandang bahay at magarang kotse, tinatawag pa ring maging banal.  Kung ako ay ballet dancer, ilustrador, negosyante, photographer, at marami pang iba, tinatawag pa rin ako sa kabanalan. Kung ikaw ay guro, nars, doktor at konduktor, drayber, dyanitor, magsasaka, engineer, architect, artista, lawyer, barangay captain, mayor, gobernador, kongresista, senador o maging presidente na Pilipinas o alinmang bansa, ikaw ay tinatawag na maging banal.

14.  At bilang katekista, malaking hamon sa akin ang ipahayag ang mensahe ng Diyos.  Ang pangarap ng Diyos sa bawat isa – ang maging banal.  Ito ang aking pangarap.  Ito ang aking pangarap para rin sa aking pamilya, kaibigan, samahan, lipunan at maging sa sangkatauhan.  Kaya nga, bilang katekista, ako ay instrumento ng Diyos upang ang tao ay hindi lamang akayin patungo sa kanya kundi ang makasama at makaniig ang Diyos.

15.  Pero, nagiging totoo ba sa akin ang pangarap na ito?  Naninindigan ba ako dito?  Paano ko ituturo si Kristo kung ako mismo ay hindi nakatagpo si Kristo at hindi tumatahak ng kanyang landas? 

16.  Panginoon, maraming salamat sa buhay mong kaloob.  Muli mong binuhay ang aking pangarap na maging banal.  Pinaalaala mo sa akin ang iyong pangarap para sa akin.  Nababatid mo na mahirap tahakin ang iyong landas at pumasok sa iyong kalooban ngunit nananalig pa rin ako na makita ang iyong kabutihang-loob. Umaasa ako, Panginoon, na bibigyan mo ako ng panibagong lakas upang maging matatag at matupad ang iyong kalooban para sa akin at sa iyong sambayanan.  Papuri sa Iyo, Panginoon!

17.  Totoo na sa bawat kaarawan ay may bagong buhay na dala.  Kung ito’y iyong paniniwalaan, makikita mo.  Kung ikaw ay magtitiwala sa biyaya ng Diyos, makakamit mo.  Kung ang iyong mithiin ay makapiling ang Pangioon, Siya ay iyong makakatagpo.  Halina’t magsaya sa piling ng Panginoon.  Ipagdiwang ang buhay.  Ipagdiwang ang kaarawan!


April 24, 2009
Biyernes
http://angmuntingbata.multiply.com/journal/item/1/ANG_AKING_MITHIIN 
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus ay hindi lamang nagbibigay kahulugan sa aking mithiin kundi nagpapalakas at napapatibay ng aking pananampalataya na balang araw ang aking Panginoon ay aking makakapiling sa tunay na kaarawan - kaarawan sa langit.

3.20.2011

NORA AUNOR: A Library Section In Iriga


By Juan Escandor Jr.
Philippine Daily Inquirer
First Posted 23:49:00 03/16/2011




NORA AUNOR, the poor girl hawking water in the train station of Iriga in the 1960s, who rose to become the “superstar” of Philippine cinema, is now a section of the Iriga City Public Library (ICPL).

With an initial collection of 129 volumes of books and 68 compact discs (CDs) and DVDs on her life and work as a singer and actress, the Nora Aunor Section is a tribute to the most famous Irigueña whose story from obscurity to celebrity captivated the nation in the 1970s, according to Flora Salvador, ICPL librarian.
Aunor’s fans, connected in the virtual world of the Internet since 2000, initiated the compilation of books about their idol including films on DVDs and records of her songs in CDs to make up the section dedicated to her, says Salvador.

Collaboration


The Nora Aunor Section is a collaboration of the city government and the 600-member International Circle of Online Noranians (Icon), a Texas-based fan group founded by Leonel Escota.

Salvador says Icon was organized online to encourage the appreciation of Aunor’s body of work and preserve her contribution to the Philippine movie industry.

Prominently hung in the section is a sepia photo of the late Ricky Belmonte and Nora Aunor sitting on the hood of a school bus of the Mabini Memorial University (now the University of Northeastern Philippines) which was supposedly taken in the ’70s during the filming of one of her movies in her hometown.

Neatly tacked in the bookshelf are some titles like “Nora Aunor Through the Years,” “Nora Aunor Superstar” and “Unsinkable Movie Queen.” Her movies on DVDs and songs on CDs are arranged in another shelf.

Breaking records


“No other native of Iriga had made the name of the town a household word than Nora Aunor. In her heyday, the mere mention of Nora, who was born Nora Cabaltera Villamayor in Iriga City on May 21, 1953, immediately associates her with Iriga and the PNR (Philippine National Railway) train station where she sold water in bottles to passengers of the train,” says Francisco Peñones, public information officer of the city.

Peñones says Nora Aunor became popular when the country’s consciousness about Bicol was only through the train (ironically named Bicol Express as it always arrived late); and the hot dish with which the train lent its name.

“While other Bicol movie personalities had preceded her in the industry, Nora can be said to have made the country more aware of Bicol,” he asserts.

Peñones says Aunor is an icon who transcended the social divide between the rich and the poor in the turbulent years of the ’70s, when the Philippine Free Press came out with its winning photo competition piece of socialites in Manila emerging from a posh hotel and being met by a group of placard-bearing protesters.


Superstar


Moreover, Aunor broke the mestiza syndrome in the industry. “Her following ranges from the burgis to the bakya. Her TV show, appropriately named ‘Superstar,’ an appellation obviously culled from the musical, is a testament to her staying and drawing power. At its end, it was the longest running TV show on Philippine entertainment history,” he adds.

Burgis was an adoption of a Marxist term bourgeoisie which means “well-to-do or rich” while the bakya referred to poor ordinary people which literally meant wooden clogs, explains Peñones.
According to Icon, Aunor’s “Pearly Shells” was a major hit in 1971, when songs were recorded and listened to in vinyl discs played in turntables.

“The ’70s was characterized by political uncertainties with foreign singers dominating the airwaves. However, the entry of Nora Aunor changed the beat of that era by delivering millions of sales for her records, surpassing those of the Beatles, the Supremes and Jackson Five. In the consumers’ hierarchy of needs, a Nora vinyl is included in the priority list. It is safe to say that it was Nora Aunor who helped fuel the microeconomy that is the music industry during that turbulent era. Until today, no single Filipino celebrity can claim to have affected the industry and the economy as a whole other than Nora Aunor,” according to Tim A. Capellan, managing director of InAsia Management and Consultancy, a respected retail and marketing consulting firm in the country.

Other record-breaking feat of this diminutive Irigueña are her 30 gold singles and 260 singles and recording of more than 500 songs.

The beginnings


Aunor began her career doing the rounds of amateur singing contests, under the tutelage of her aunt and uncle, Belen and Saturnino Aunor, who took her under their custody and from whom she got her screen name, the Cultural Center of the Philippines Encyclopedia-Filmrevealed.

“She emerged champion in the nationwide show, ‘Tawag ng Tanghalan.’ Her successful stint in Tawag as well as in ‘Darigold Jamboree’ led to her phenomenal rise as a major star of the Philippine movie industry, which accorded her the title ‘superstar.’ This led to Sampaguita Pictures contract with star builder Dr. Jose R. Perez who cast her in the films like “Way Out in the Country” (1967), “Cinderella A-Go-Go” (1967), “All Over the World” (1967), and “Ye-Ye Generation” (1968).”

It also cited Aunor’s inclusion in the Hall of Fame of the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences as a five-time actress awardee and other recognitions for her films done from the 1970s to the 1990s.

Recently, the Cable News Network entertainment website voted Ishmael Bernal’s “Himala” as the best movie of all time in the Asia-Pacific region in 2008 which starred Nora Aunor as a simple provincial lass turned healer.

Bernal’s movie outclassed such greats as Akira Kurosawa’s “Seven Samurai” and Ang Lee’s “Crouching Tiger,Hidden Dragon.”

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Source: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20110316-325865/Nora-Aunor-A-library-section-in-Iriga
Source Image: http://superstarstruck.weebly.com/,
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=205334306163137&set=a.166198193410082.38946.166167646746470&theater