Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.
Juan 18:33-37
Muling pumasok si Pilato sa pretoryo at pagkatawag kay Jesus ay tinanong sa kanya, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudio?” Sumagot si Jesus, “Iyan ba ay sinasabi mo sa ganang sarili mo o sinasabi sa iyo ng iba tungkol sa akin?” Ako ba’y Hudio?” ang tanong ni Pilato. “Ikaw ay ibinigay sa akin ng iyong bansa at ng mga punong pari; ano ba ang nagawa mo?” Tumugon si Jesus, “Hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian; kuna ang aking kaharian ay sa daigdig na ito, ipagtatanggol sana ako ng aking mga lingcod upang hindi ako mahulog sa kamay ng mga Hudio, datapuwat ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”
Kaya winika sa kanya ni Pilato, “Kung gayon, ikaw ba’y hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabi na ako’y hari. Ito nga ang dahilan kung bakit ipinanganak ako at at naparito ako sa daigdig: upang patunayan ang katotohanan.”
Iniharap si Jesus sa dalawang hukuman: ang Sanedrin, na hukumang relihiyoso at ang kay Pilato upang hatulang sibil. Kinaladkad siya sa harap ni Poncio Pilato upang hatulan ng kamatayan batay sa mga sumbong na hindi totoo, na diumanao’y sa emperador at ginagawang hari ang sarili.
“Ikaw ba ay hari?” tanong ni Pilato kay Kristo. Isinagot niya, “Sinasabi mo na ako ay hari. Ito ang dahilan kung bakit naparito ako sa daigdig upang patunayan ang katotohanan. Ngunot ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”
Ipinahampas ni Pilato ang Panginoon, pinutungan ng koronang tinik, sinuotan ng damit na purpura at nilagyan ng tambo sa kamay bilang isang setrong hari.
[Maikling Katahimikan]
Ama Namin . . . . .
Aba Ginoong Maria . . . . .
Luwalhati . . . . .
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://rpmedia.ask.com/ts?u=/wikipedia/commons/thumb/9/9a/Eccehomo1.jpg/300px-Eccehomo1.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento