Pages

4.20.2011

IKA-LIMANG ISTASYON: ANG PAGTANGGAP SA KRUS


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Mateo 27:27-31
Pagkatapos na dalhin si Jesus ng mga kawal sa pretoryo ng gobernador ay tinipon nila sa paligid niya ang buong pulutong.  Siya ay hinubaran nila at dinamitan ng isang balabal na purpura; pagkagawa nila ng isang koronang tinik na ipinutong sa kanyang ulo ay binigyan siya ng isang tambo sa kanang kamay niya.  At sa pagluod nila sa harap niya ay kinukutya siya ng ganito, “Aba, hari ng mga Hudio!”  At siya ay kanilang niluluran at kinukuha  ang tambo upang hampasin siya sa ulo.  Pagkatapos na makutys siya ay inalisan ng balabal at sinuotan ng kanyang mga damit at inilabas upang ipako sa krus.

[Maikling Katahimikan]
Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.lostseed.com/extras/free-graphics/images/jesus-pictures/jesus-carrying-cross-bloody.jpg

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento