Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.
Juan 19:1-6
Noon ng ay pinahuli ni Pilato si Jesus at ipinahampas. Ang mga kawal naman ay gumawa ng isang koronang tinik, kanilang ipinatong sa kanyang ulo at nilagyan ng balabal na purpura; nagsilapit sila sa kanya na ganito ang sinasabi, “Aba, hari ng mga Hudio!” at saka pinagsasampal.
Lumabas na uli si Pilato at sinabi sa kanila, “Narito’t inilalabas ko siya sa inyo, upang inyong makilala na wala akong matagpuan sa kanya na ano mang kasalanan.” Lumabas nga si Jesus na may putong na koronang tinik at may suot na balabal na purpura. At winika niya sa kanila, “Tingnan ninyo ang tao!” Nang makit siya ay nagsigawan ang mga punong pari at mga bantay, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus!”
Nang walang makitang katwiran upang ipapatay si Jesus, si Pilatao ay gumawa ng paraan upang maglubag ang kalooban ng bayan at huwag siyang isuplong sa emperador. Ipinahampas ng katakut-yakot si Jesus na nakatali sa haliging bato at pinutungan koronang tinik. Iniharap siya sa bayan at winika ni Pilato: “Ecce Homo! Masdan ang tao! Tingnan ang inyong hari.” Inaakala niya na ang mga tao ay malulunos sa kanya at hindi na ihingin ang kanyang kamatayan.
Subalit lalong nilakasanng bayan ang sigaw: “Ipako siya sa krus!” Tiniis ni Jesus ang mga hampas, hagupit at koronang tinik upang bayaran an gating mga kasalanan sa isip at sa kalayawan ng katawan.
[Maikling Katahimikan]
Ama Nanim . . . . .
Aba Ginoong Maria . . . . .
Luwalhati . . . . .
--------------------------------------------------------------------------------------------Source Image: http://www.joyfulheart.com/easter/images-tissot/tissot-jesus-falls-beneath-the-cross-d1.jpg
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento