Pages

4.20.2011

IKA-WALONG ISTASYON: KINAUSAP NI JESUS ANG MGA BABAENG TAGA JERUSALEM


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.
 
Lucas 23:27-28
Sinundan si Jesus ng maraming taong-bayan at ng mga babaeng umiiyak at nakiramay sa kanya.  Datapwat nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga anak ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan; iyakan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
---------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.moreprayers.com/Jesus_speaks_to_the_women_of_Jerusalem.jpg

IKA-PITONG ISTASYON: TINULUNGAN SI JESUS NI SIMON CIRENEO

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami. 

Lucas 23:26
Noong siya’y kanilang dalhin, pinigil nila ang isang nangangalang Simon, na taga-Cirene, na galling sa bukid, at ipinapasan sa kanya ang krus, na kasunod ni Jesus.

 [Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
---------------------------------------------------------------------------------------------

Source Image: http://www.acliparthistory.com/church/cbr/assets/galleries/177/jesus06.jpg

IKA-ANIM NA ISTASYON: ANG PAGKASUBASOB NI JESUS




Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Juan 19:1-6
Noon ng ay pinahuli ni Pilato si Jesus at ipinahampas.  Ang mga kawal naman ay gumawa ng isang koronang tinik, kanilang ipinatong sa kanyang ulo at nilagyan ng balabal na purpura; nagsilapit sila sa kanya na ganito ang sinasabi, “Aba, hari ng mga Hudio!”  at saka pinagsasampal.
Lumabas na uli si Pilato at sinabi sa kanila, “Narito’t inilalabas ko siya sa inyo, upang inyong makilala na wala akong matagpuan sa kanya na ano mang kasalanan.”  Lumabas nga si Jesus na may putong na koronang tinik at may suot na balabal na purpura.  At winika niya sa kanila, “Tingnan ninyo ang tao!”  Nang makit siya ay nagsigawan ang mga punong pari at mga bantay, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus!”
Nang walang makitang katwiran upang ipapatay si Jesus, si Pilatao ay gumawa ng paraan upang maglubag ang kalooban ng bayan at huwag siyang isuplong sa emperador.  Ipinahampas ng katakut-yakot si Jesus na nakatali sa haliging bato at pinutungan koronang tinik.  Iniharap siya sa bayan at winika ni Pilato: “Ecce Homo! Masdan ang tao!  Tingnan ang inyong hari.”  Inaakala niya na ang mga tao ay malulunos sa kanya at hindi na ihingin ang kanyang kamatayan.
Subalit lalong nilakasanng bayan ang sigaw: “Ipako siya sa krus!”  Tiniis ni Jesus ang mga hampas, hagupit at koronang tinik upang bayaran an gating mga kasalanan sa isip at sa kalayawan ng katawan.

[Maikling Katahimikan]

Ama Nanim . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
--------------------------------------------------------------------------------------------

Source Image: http://www.joyfulheart.com/easter/images-tissot/tissot-jesus-falls-beneath-the-cross-d1.jpg

IKA-LIMANG ISTASYON: ANG PAGTANGGAP SA KRUS


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Mateo 27:27-31
Pagkatapos na dalhin si Jesus ng mga kawal sa pretoryo ng gobernador ay tinipon nila sa paligid niya ang buong pulutong.  Siya ay hinubaran nila at dinamitan ng isang balabal na purpura; pagkagawa nila ng isang koronang tinik na ipinutong sa kanyang ulo ay binigyan siya ng isang tambo sa kanang kamay niya.  At sa pagluod nila sa harap niya ay kinukutya siya ng ganito, “Aba, hari ng mga Hudio!”  At siya ay kanilang niluluran at kinukuha  ang tambo upang hampasin siya sa ulo.  Pagkatapos na makutys siya ay inalisan ng balabal at sinuotan ng kanyang mga damit at inilabas upang ipako sa krus.

[Maikling Katahimikan]
Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.lostseed.com/extras/free-graphics/images/jesus-pictures/jesus-carrying-cross-bloody.jpg