12.23.2009

ANG PAGHIHINTAY



Naranasan mo na bang maghintay?
Ano ang iyong naramdaman? Bakit?

Mahabang oras na rin akong nakatayo rito. Sa katanuyan, nakaupo ako kanina sa hagdan. Nakahiga pa nga sa sahig. At para malibang, binibilang ko ang mga taong dumaraan sa harap ko…isang libo’t isa…isang libo’t dalawa…

Anong petsa na? Nangangalay na ang mga paa ko. Kinakagat na ako ng mga lamok dito. Pati langaw nakisawsaw na rin. Hanggang ngayon wala ka pa rin.

‘Asan ka na? Darating ka pa ba? Naiinip na ako. Nag-aalalaa na ako baka kung ano na ang nangyari sa’yo sa daan. Nagugutom na ako. Nauuhaw na ako. Nanghihina na ako. Pagod na ako. huh! ang hirap pa lang maghintay.

Nawawalan na ako ng pasensiya. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko nang pumasok sa loob ng bahay. Bahala ka na sa buhay mo. Nagpagwapo pa naman ako. Naghanda ng pagkain at mapapanis na sa tagal mo. aahhh….ayoko nang maghintay!!!!!!!

Ok, fine. Ilang sandali pa akong maghihintay sa iyo. Kahit naiinip na ako, umaasa pa rin akong darating ka. Ngunit, ang tanong: kailan? magreply ka naman sa mga text messags ko, plezzzz!!! May concern ka ba sa ‘kin?

Teka, baka lumampas na ang hinihintay ko at hindi ko namalayan na dumaan na pala siya…ohh…noooo…..

Sino nga ba ang hinihintay ko? Hahahahaha…nababaliw pala ako…

Ikaw, sino ang hinihintay mo?

Sa buhay, maraming paghihintay ang ating nararanasan. Ang mga mag-asawa ay naghihintay ng anak. Ang mga mag-aaral naghihintay makagradweyt. Ang mga magsasaka, naghihintay sa pagtubo at pamumunga ng mga pananim. Ang mga maysakit, naghihintay gumaling. Ang mga bulag ay naghihintay na makakita. Ang mga pipi ay naghihintay na makapagsalita ng maatuwid at maayos. Ang mga bingi ay naghihintay na makarinig. Ang mga pilay ay naaghihintay na makalakad. Ang mga manliligaw naghihintay ng matamis na “oo” sa kanyang nililiyag.

Bawat isa, may hinihintay. Iba’t-iba ang hinihintay. May iba’t-ibang paraan ng paghihintay. Ngunit hindi lahat ay nakapaghihintay. Kung kaya may mga hinog sa pilit. May mga instant products. Nawawalan ng pag-asa. Dahil dito, may nagpapatiwakal sapagkat ayaw nang maghintay… ayaw nang maghirap.

Ang paghihintay ay isang biyaya. Ang taong naghihintay ay nakatatanaw ng pag-asa. at ang taong umaasa ay hindi napapagod maghintay na sa kabila ng kadiliman ay may liwanag na masisilayan. Na sa kabila ng paghihirap ay may tagumapay na makakamtan. Na sa haba ng paglalakbay, makakarating din sa paroroonan. Kaakibat ng paghihintay ay sakripisyo.

Ang taong naghihintay ay nagbibigay pag-asa at liwanag sa kapwa. Kung kaya, masaya siyang naghihintay. Lalo na kung ang iyong hinihintay ay ang taong nagmamahal sa’yo. Mahalaga sa’yo. Nagpapahalaga sa’yo.

Ang Diyos din ay naghintay ng mahabang panahon upang magkaroon ng tao sa mundo. Nagbilang Siya ng ilang milyong taon sa paghihintay ngunit siya ay tahimik na naghihintay.

At ngayonG Adbiyento, naghihintay tayo sa pagdating ni Jesus.

At ang tanging panalangin ay: “Halina, Jesus, halina. Manahan ka sa aking puso”

No comments:

Post a Comment

HAPPY NEW YEAR 2010!