Pages

4.30.2011

PAGDALAW NG SANTO PAPA JUAN PABLO II SA PILIPINAS: ENERO, 1995

Dalawang mahalagang Modyul ang ginawa bilang bahagi ng programa sa esperitwal na paghuhubog ng mga kabataan ng Arkidiyosesis ng Maynila bilang paghahanda sa pagdalaw at pagdating ng Santo Papa Juan Pablo II sa Pilipinas noong Enero, 1995.

Una, ang alay ng Catechetical Ministry ng Archdiocese of Manila para sa mga mag-aaral sa Mababang Paaralan.

 

Ikalawa, para sa mga kabataang nag-aaral sa Mataas na Paaralan na mula naman sa Archdiocesan Youth Council.

SANTO PAPA JUAN PABLO II

Pangalan bilang Papa: Juan Pablo II

Tunay na Pangalan: Karol Wojtyla

Palayaw: Lolek

Ama: Karol, isang opisyal ng militar

Ina:Emilia Kaczorowska, isang guro

Kapanganakan: May 18, 1920 sa Wadowice, Poland

Nasyonalidad:Polish

Unang hilig: Maging aktor sa Teatro

Unang Trabaho: Manggagawa sa Pabrika [habanbg nag-aaral]

1946, edad 26: Nagtapos ng pag-aaral sa seminaryo sa Krakow at naordehan na pari

1948: Natanggap ang kanyang "Doctorate in Philosophy" mula sa Unibersidad ng     Angelicum sa Roma

Edad 38: Naging katulong na Obispo sa Krakow

1964: Naging Arsobispo

1967, edad 47: Ginawang Cardinal ni Papa Paulo VI.  Bilang Karol Cardinal Wojtyla, siya ay masigasig na kasapi sa Second Vatican Council; kaanib sa "Church's Sacred Congregations on the Sacraments, Divine Worship, Clergy and Catholic Education"

1978, edad 58: Naging ika-264 na Papa.  Siya ang unang Papa mula sa Poland at siya rin ang unang di-Italyano mula pa kay Adrian VI (1522)
1981, Pebrero: Unang Pagdalaw ng Santo Papa Juan Pablo II sa Pilipinas at ginanap ang beatipikasyon ni San Lorenzo Ruiz, ang Unang Pilipinong Santo.

Wikang alam:Polish, German, Italian, French, English, Russian, Spanisg, Lithuanian, Portuguese, Czechoslavakian, Latin at Japanese.

Libangan at hilig na laro:  Swimming, skiing, football, canoeing, mountain climbing

Malimit na masambit:  "Praise be Jesus Christ, now and forever"

Motto: "Totus Tuus, Maria" [Ako'y Iyong-iyo, Maria]

Pahatid para sa Kabataan:  "Kayo ang kinabukasan ng ating bansa at pag-asa ng Simbahan

Kamatayan:   April 2, 2005

Beatipikasyon:   May 1, 2011

4.29.2011

ALA-ALA NG 10TH WORLD YOUTH DAY

Sa ika-1 ng Mayo, 2011, Kapistahan ng Divine Mercy ay ipagdidiriwang ang 'beatification' kay Pope John Paul II sa pangunguna ni Pope Benedict XVI sa Roma.  Dahil dito, aking hinanap ang mga larawan kung saan si Pope John Paul II ay naging bahagi ng aking buhay.  Ito ang mga larawang kinuha noong 10th World Youth Day na ginanap dito sa bansang Pilipinas noong Enero, 1995.  Salamat na lang meron pang natitirang mga larawan sapagkat ito ay nalubog sa baha noong kasagsagan ng bagyong si Ondoy noong ika-26 ng Setyembre, 2009.
Sa altar na aming kinatatayuan, isinagawa ni Pope John Paul II ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya: Buendia, Pasay City

Ang Logo ng 10th World Youth Day
Habang inaawit ang Theme Song "Tell The World Of His Love": Cuneta Astrodome
Mga kasamahan kong Katekista bilang mga facilitators noong World Yoyth Day
Sa loob ng Cuneta Astrodome, Libertad, Pasay City
Kasama ang ilang sa mga delegado mula sa bansang Australia.

4.20.2011

IKA-LABING-APAT NA ISTASYON: ANG MULING PAGKABUHAY NI JESUS

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Marcos 16:1-6
Nang makaraan ang Sabat, si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mga pabango upang pahiran ang bangkay ni Jesus.  Nang unang araw ng sanglinngo ay naparoon sila sa libingan.  Nang dumating sila, naigulong na ang bato, wala ang bangkay ni Jesus. 
                           
Nakita nila ang anghel ng Diyos na nagsabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, hinahanap ninyo si Jesus Nazareno, na ipinako sa krus.  

Siya ay muling nabuhay.”

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image:
http://www.jesus-pictures.net/jesus-pictures/resurrection-of-jesus-bob-whitehead.jpg;
http://www.paintinghere.com/UploadPic/Unknown%20Artist/Mary%20Magdalene/big/Mary%20Magdalene%20at%20the%20Tomb.jpg;
http://www.knitorknot.net/wp-content/uploads/2009/04/christ-is-risen.jpg

IKA-LABING TATLONG ISTASYON: SI JESUS AY INIHATID SA LIBINGAN

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.
 
Marcos 15:46
Si Jose naman ay bumili ng linong kumot at ibinaba si Jesus sa krus; binalot siya sa kumot at inilagay sa isang libingan na hinukay sa bato; pagkatapos pinagulong niya ang isang batao sa pintuan ng libingan.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoona Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . . 
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.jesus-pictures.net/jesus-pictures/lament-of-the-death-of-jesus-christ-painting.jpg

IKA-LABING-DALAWANG ISTASYON: ANG PAGKAMATAY NI JESUS SA KRUS


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.

Juan 19:17.25.30
"Kinuha nga nila si Jesus at siya ay lumabas na pasan ang krus patungo sa pook na tinatawag na Kalbaryo.  Doon siya ipinako nila na kasaman ang dalawa pa.  Pagkasipsip ni Jesus sa esponghang tinubog sa suka, sinabi niya, "Naganap na."  Iniyuko ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . . 
                                       Luwalhati . . . . . 
----------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.aug.edu/augusta/iconography/iconographySupplementalImages/crucifixion/rembrandt.gif

IKA-LABING-ISANG ISTASYON: ANG MAHAL NA BIRHEN AT SI SAN JUAN SA PAANAN NG KRUS

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.

Juan 19:26-27
Nang Makita ni Jesus ang kanyang ina at sa tabi nito ang minamahal niyang alagad, sinasabi niya sa kanyang ina, “Babae, hayan ang iyong anak.”  At sinabi sa alagad, “Hayan ang iyong ina.”  Buhat sa oras na yaon, tinanggap na siya ng alagad sa kanyang tahanan.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.arthistoryarchive.com/arthistory/christian/images/AlbrechtAltdorfer-Christ-on-the-Cross-with-Mary-and-John-1515-16.jpg