Juan Cirilo Toto Cariño at si Kuya Art |
Kagabi, habang ako'y palabas sa isang resto, isang lalaki ang sumusunod sa akin na may ngiti sa labi. Hindi ko muna pinansin ang kanyang presensya dahil wala akong ideya kung sino siya. Tinawag niya akong Kuya Art, yes, kilala niya ako. Inilahad niya na siya si Cariño, dating mag-aaral ko noong 1998 sa Timoteo Paez Elementary School, Malibay, Pasay City, kung saan ako'y naging katekista sa San Juan Nepomuceno Parish. Matapos ang halos tatlong dekada, marami nang pagbabago sa kanyang anyo, at sa totoo lang, hindi ko talaga siya maalaala. Subalit sa kabila ng aking pagkalimot, siya ay natutuwa pa rin at masaya sa aming pagkikita. Ang tanging pagbabago lamang daw sa akin ay ang puting buhok na sumisimbolo ng paglipas ng panahon.
Nais niyang ipakilala ako sa kanyang mga kaibigan mula sa batch nila upang matuklasan kung may natitira pang alaala sa akin, kung kaya naki-selfie sa akin. Salamat sa iyong pagiging mapagpakumbaba, Juan. Sa pangyayaring ito, aking napagtanto ang halaga ng pagiging bukas at matulungin sa mga taong ating nakakasalamuha sa ating araw-araw na buhay. Hindi lamang ito simpleng pagkikita ng dalawang estranghero sa isang gabi sa labas ng isang restoran, kundi isang magandang paalaala sa atin ng pagiging makatao at mapagmahal sa ating kapwa.
Sa ating mahahalagang mga pagkakataon ng pagkakaibigan, hindi maaaring makalimutan ang halaga nga pagkakaroon ng magandang ugnayan sa isa't isa. Sa pamamagitan ng simpleng pagpapakumbaba, maaaring muling mabuhay ang mga alaala ng nakaraan at muling maitaguyod ang pagkakaibigan at pagmamahal sa ating kapwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento