St. Bartholomew |
St. Bartholomew, Apostle
Feast: August 24
John 1:45-51
"Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya."
Ngayong araw ng kapistahn ni San Bartolome, isa sa labingdalawang Apostol ni Hesus, isang pagkakataon upang magbalik-tanaw sa Ebanghelyo ayon kay Juan. Sinabi ni Hesus ang mga salitang, "Masdan ninyo ang isang tunay na Isaraelita; siya hindi magdaraya." Sa simpleng pahayag na ito, ipinapakita ang kahalagahan ng pagiging tapat at walang pagpapanggap sa paglilingkod sa Diyos.
Ang pag-uugali ni San bartolome bilang isang tapat at walang bahid ng kasingungalinga na tagasunod ni Hesus ay nagdala sa kanya ng papuri mula sa Panginoon. Gayundin, bilang mga katekista, tayo rin ay tinatawag na maging tulad ni San Bartolome - tapat sa ating pananampalataya at walang pagpapanggap sa ating pagtuturo sa mga kabataan at sa ibat ibang tao na nagnanais na mas lalo pang makilala ang Diyos.
Sa kasalukuyang panahon, malaki ang papel ng social media sa pagbabahagi ng mga aral at mensahe ng Diyos. Ang mga katekista na aktibong gumagamit ng social media ay may malaking responsabilidad na mapanatili ang kanilang integridad at pagiging tapat sa kanilang mga paninindigan at pagsasabuhay ng pananampalataya. Hindi kailangan gamitin ang social media upang magpakalat ng kasinungalingan o fake news, bagkus at kailangan itong gamitin upang maging instrumento ng pagmamahal, pag-unawa, at pagtuturo ng mabuting halimbawa.
Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome, magbalik-tanaw tayo sa kanyang tapat at walang pagpapanggap na panglilingkod sa Panginoon. Maging inspirasyon sana siya sa atin na patuloy na magpakita ng katapatan at integridad sa ating gawain bilang mga katekista, lalo na sa panggamit ng social media bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pagababahagi ng mga aral ng Simbahan.
Panalangin:
Panginoon, tulungan mo kaming maging tapat at tunay sa aming pananampalataya, gaya ni San Bartolome. Gabayan mo kami sa aming patuturo sa aming kapwa upang maipadama namin ang iyong pag-ibig sa lahat ng mga taong aming makakasama. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento