Pages

9.14.2024

MAGING MALIKHAIN

Batch 15
Basic Faith Formation
Commission on Catechesis and Religious Education
Diocese of Parañaque


Maraming salamat sa pa-surprise na ito (poster).  Ang inyong pag-unawa sa kahalagahan ng ating misyon bilang mga katekista ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa bawat isa.  Ang pagtugon sa tawag ng Diyos upang maglingkod sa ating kapwa ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos.  Sa pamamagitan ng paghuhubog tayo ay dinadala na maging liwanag ng Diyos sa iba.



Isa sa mga kahanga-hangang aspeto ng ating pagkatao ay ang pagiging malikhain.  Tayo ay binigyan ng Diyos na kakayahan na lumikha.  Sa ating pagiging bukas sa mga bagong kaalaman, napapalalim ang ating ugnayan sa Diyos at nagiging daan tayo upang maakay ang ating kapwa patungo sa Diyos.  Ang pagkatuto at paglikha ay nagsisilbing tulay upang mas mapalaganap ang mensahe ng Diyos sa ating panahong ngayon.




Maging inspirasyon tayo sa isa't-isa at ipagpatuloy ang ating misyon.  Sa ating mga kamay at isipan, naroroon ang kapangyarihang magpabago at magbigay-buhay.  Maging malikhain tayo, at ipamalas ang ating talento para sa kabutihan at kapakanan ng lahat. 

9.10.2024

PRESENSYA SA LIKOD NG LENTE: TAGAPAGHAYAG NG MGA ALAALA

 


"Kasama mo ako, ngunit hindi ako nakikita."

Bilang isang photographer, madalas kasama mo ako, ngunit hindi ako nakikita.  Sa mga pagdiriwang at mga kaganapan, kinukunan ko ang ngiti ng aking mga kasamahan, ang saya sa kanilang mga mukha, ngunit ako ay nananatiling hindi nakikita sa mga larawang iyon.  Sa simpleng katotohanan na ako ay hindi kasali sa mga larawan.  Ako ay nagiging simbolo ng presensya na hindi kailanman maihahambing sa pisikal na anyo.  Ang aking tungkulin bilang litratista ay hindi lamang nakasalalay sa teknikal na aspeto ng aking gawain, bagkus sa kakayahang ipahayag ang mga damdaming nahahawakan ng bawat pag-click ng aking camera.

Ang sitwasyon na ito ay may malalim na mensaheng ipinapahiwatig.  Ipinahahayag nito na ang tunay na presensya ay hindi palaging nangangailangan ng katawan.  Ang mga alaala at damdaming nailalarawan sa mga imahe ay nagiging bintana ng koneksyon na bumabalot sa amin.  Sa kabila ng aking kawalan sa mga larawan, andiyan pa rin ang aking presensya.  Mga inipong karanasan ay naisasalaysay ng aking camera.  Ang mga iyon ay tala ng aking kuwento, ng aking paglalakbay bilang isang instrumento ng mga alaala.

Ngunit sa kabila ng mga positibong aspeto ng aking kalagayan, may mga hamon din na dulot ito.  Ang pagiging hindi nakikita ay nagiging sanhi ng pagdududa sa aking halaga.  Kung hindi man ako nakikita sa mga larawang ito, ako ba ay talagang mahalaga sa grupong ito?  Sa likod ng bawat ngiti na aking kinukunan, may mga saloobin at tanong na bumabalot sa akin - paano kaya ang aking presensya ay nag-aambag sa kanila?  Ito ang mga katanungan na nagiging hamon sa akin sa pagpapaunlad ng aking sining, ng aking sarili bilang photographer at bilang isang tao.

Mahalaga ang sariling pagninilay sa pagtugon sa mga hamong ito.  Kailangan kong kilalanin ang aking halaga sa mga kuwentong pinapanday ko.  Ang bawat larawan na aking kinukuha ay mayroon nang kuwento na kailangang ipagmalaki at ipaalam.  Ang kanilang saya, lungkot o anumang damdamin ay nagiging bahagi na ng aking sariling karanasan.  Dito, matutunan kong yakapin ang aking mga emosyon at ang halaga ng aking gawain.  Ang aking mga larawan ay nagiging boses ko.  Kahit na ako ay hindi nakikita, ang aking presenya ay nararamdaman sa mga alaala.

Ang pagiging isang hindi nakikitang photographer ay hindi hadlang kundi pagkakataon upang ipanindigan ang aking papel sa isang mas malaking kuwento.  Nais kong ipahayag na ang tunay na halaga ay hindi nasusukat sa kung paano tayo nakikita ng iba, kundi sa kung paano natin nadarama at naipadama ang ating mga kuwento sa mga taong mahalaga sa atin.  Sa pagiging tago ng aking presensya sa pamamagitan ng sining ng potograpiya, ako ay nagigingi isa sa mga tagapaghayag ng mga alaalang mananatili sa mga puso ng tao.

8.26.2024

TAGA-AKAY


ISANG PAGNINILAY
Monday | 21st Week | Ordinary Time
Matthew 23:13-22

"Sa aba ninyo, mga bulag na taga-aakay!"

"Sa aba ninyo, mga bulag na taga-akay" ay isang makapangyarihang pahayag na ginawa ni Hesus sa Ebanghelyo ayon kay Mateo.  Sa talatang ito, kinakausap ni Hesus ang mga Pariseo at mga Eskriba, na dapat ay mga pinuno ng relihiyon at mga guro ng mga Judio.  Gayunpaman, sa halip na akayin ang iba patungo sa Diyos, iniligaw nila sila sa kanilang mapagkunwari at mapagmatuwid na mga aksyon.

Bilang katekista, ang pangungusap na ito ay nagsisilbing paalaala na laging pamunuan ang iba nang may pagpapakumbaba, pagiging tunay at tapat na pagmamahal sa Diyos at sa kanyang bayan.  Hinahamon tayo nito na pagnilayan ang ating sariling mga intensyon at motibasyon sa ating tungkulin bilang mga tagapagturo ng pananampalataya.  Talaga bang ginagabayan natin ang iba tungo sa mas malalim na ugnayan sa Diyos?  Namumuno ba tayo sa pamamagitan ng halimbawa, o nagbibigay lang tayo ng lip service sa mga turo ng Simbahan?

Sa panahon ng social media, mas laganap ang mga hamon na ipinakita ng katagang ito.  Sa pagdami ng mga influencer at personalidad na nagsasabing kinakatawan nila ang pananampalatayang Kristiyano, madaling mahulog sa bitag ng paghahanap ng katanyagan at approval sa halip na tunay na itayo ang Kaharian ng Diyos.  Ang tuksong unahin ang likes, shares, at followers kaysa sa tunay na discipleship at espiritwal na paglago ay isang tunay na panganib na kailangang maging mapagbantay ang mga katekista sa online space.

Upang matugunan ang mga hamong ito, kailangan muna ng ating sarili na nakaugat sa panalangin at discernment.  Kailangan nating patuloy na hanapin ang patnubay ng Banal na Espiritu sa lahat ng ating ginagawa, at maging handang tanggapin ang ating sariling mga pagkakamali at pagkukulang.  Kailangan nating laging hangarin na iayon ang ating mga aksyon sa mga turo ng Simbahan at sa halimbawa ni Kristo, sa halip na maghangad na pasayahin ang mundo o palakasin ang sarilin nating mga ego.

Panalangin:

Panginoon, gabayan mo kami sa aming pagtuturo ng iyong salita.  Tulungan mo kaming maging tapat at maawain sa aming mga tinuturuan.gawin mo kami na maging mabuting halimbawa ng iyong pag-ibig at katapatan.  Amen.

8.25.2024

PANGINOON, KANINO KAMI PUPUNTA?

 



ISANG PAGNINILAY
Cycle B | 21st Sunday in Ordinary Time
John 6:60-69

"Panginoon, kanino po kami pupunta?  Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan."

Sa Ebanghelyo ayon kay Juan, may isang pangungusap na bumabadya sa diwa ng walang-hanggang buhay.  Ang pangungusap na ito ay nagmumula kay Apostol Pedro nang tanungin ni Hesus ang kanyang mga alagad kung aalis din sila tulad ng iba.  Ang sagot ni Pedro: "Panginoon, kanino po kami pupunta?  Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan."

Bilang isang katekista, ang pangungusap na ito ay nagbibigay-inspirasyon at panawagan sa atin upang manatiling tapat at matatag sa ating pananampalataya kay Hesu Kristo.  Hindi maiwasan na sa mundong ito, maraming hamon at pagsubok ang darating na maaaring magpabago sa ating pananampalataya.  Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, tayo ay tatawagin na manatili sa pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos.

 Ang hamon sa ating pagiging katekista ay maaaring magmula sa pagtutol sa ating pananampalataya ng iba, maging ito man ay ating pamilya, kaibigan o mga estudyante.  Maaaring tayo ay mabigyan ng mga tanong na hindi natin masagot o mga pagsubok sa ating pananampalataya.  Ngunit hindi natin kailangan mag-alala, sapagkat may mga salita si Hesus na nagbibigay ng walang-hanggang buhay.

Bilang mga katekista, kailangan nating pakinggan ang mga salita ng Panginoon at ibahagi ito sa iba.  Kailangan nating ipaalam sa kanila ang kapangayarihan at kabutihan ng mga salita ng Diyos na nagbibigay ng liwanag at gabay sa ating buhay.  Sa ganitong paraan, hindi tayo madaling magigiba ng anumang pagsubok na darating sa ating pananampalataya.

Kaya't sa mga oras ng pangamba at pag-aalinlangan, tandaan natin ang mga salita ni Pedro, Panginoon, kanino kami pupunta?"  mahalagang manatiling matatag sa pananampalatayang ito at maniwala sa kapangyarihan at kasaganaan ng mga salita ng Panginoon.  Sa ganitong paraan, tayo ay magiging mabisang instrumento ng Diyos sa pagpapalaganap ng Kanyang Mabuting Balita sa mundo.

Panalagin:

Panginoon, salamat sa mga banal na salita na nagbibigay buhay na walang hanggan.  Tulungan mo kaming manatiling tapat sa Iyo sa gitna ng mga laban at tukso ng mundo.  Tanggapin mo ang aming puso at damdamin upang patnubayan kami sa landas ng buhay na walang hanggan.  Amen.

HINDI KO MAALAALA, YOUR HONOR

Juan Cirilo Toto Cariño at si Kuya Art

 Kagabi, habang ako'y palabas sa isang resto, isang lalaki ang sumusunod sa akin na may ngiti sa labi.  Hindi ko muna pinansin ang kanyang presensya dahil wala akong ideya kung sino siya.  Tinawag niya akong Kuya Art, yes, kilala niya ako. Inilahad niya na siya si Cariño, dating mag-aaral ko noong 1998 sa Timoteo Paez Elementary School, Malibay, Pasay City, kung saan ako'y naging katekista sa San Juan Nepomuceno Parish.  Matapos ang halos tatlong dekada, marami nang pagbabago sa kanyang anyo, at sa totoo lang, hindi ko talaga siya maalaala.  Subalit sa kabila ng aking pagkalimot, siya ay natutuwa pa rin at masaya sa aming pagkikita.  Ang tanging pagbabago lamang daw sa akin ay ang puting buhok na sumisimbolo ng paglipas ng panahon.

Nais niyang ipakilala ako sa kanyang mga kaibigan mula sa batch nila upang matuklasan kung may natitira pang alaala sa akin, kung kaya naki-selfie sa akin.  Salamat sa iyong pagiging mapagpakumbaba, Juan.  Sa pangyayaring ito, aking napagtanto ang halaga ng pagiging bukas at matulungin sa mga taong ating nakakasalamuha sa ating araw-araw na buhay.  Hindi lamang ito simpleng pagkikita ng dalawang estranghero sa isang gabi sa labas ng isang restoran, kundi isang magandang paalaala sa atin ng pagiging makatao at mapagmahal sa ating kapwa.

Sa ating mahahalagang mga pagkakataon ng pagkakaibigan, hindi maaaring makalimutan ang halaga nga pagkakaroon ng magandang ugnayan sa isa't isa.  Sa pamamagitan ng simpleng pagpapakumbaba, maaaring muling mabuhay ang mga alaala ng nakaraan at muling maitaguyod ang pagkakaibigan at pagmamahal sa ating kapwa.

8.23.2024

TUNAY AT TAPAT NA PAGLILINGKOD

St. Bartholomew


ISANG PAGNINILAY
St. Bartholomew, Apostle
Feast: August 24
John 1:45-51

"Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya."

Ngayong araw ng kapistahn ni San Bartolome, isa sa labingdalawang Apostol ni Hesus, isang pagkakataon upang magbalik-tanaw sa Ebanghelyo ayon kay Juan.  Sinabi ni Hesus ang mga salitang, "Masdan ninyo ang isang tunay na Isaraelita; siya hindi magdaraya."  Sa simpleng pahayag na ito, ipinapakita ang kahalagahan ng pagiging tapat at walang pagpapanggap sa paglilingkod sa Diyos.

Ang pag-uugali ni San bartolome bilang isang tapat at walang bahid ng kasingungalinga na tagasunod ni Hesus ay nagdala sa kanya ng papuri mula sa Panginoon.  Gayundin, bilang mga katekista, tayo rin ay tinatawag na maging tulad ni San Bartolome - tapat sa ating pananampalataya at walang pagpapanggap sa ating pagtuturo sa mga kabataan at sa ibat ibang tao na nagnanais na mas lalo pang makilala ang Diyos.

Sa kasalukuyang panahon, malaki ang papel ng social media sa pagbabahagi ng mga aral at mensahe ng Diyos.  Ang mga katekista na aktibong gumagamit ng social media ay may malaking responsabilidad na mapanatili ang kanilang integridad at pagiging tapat sa kanilang mga paninindigan at pagsasabuhay ng pananampalataya.  Hindi kailangan gamitin ang social media upang magpakalat ng kasinungalingan o fake news, bagkus at kailangan itong gamitin upang maging instrumento ng pagmamahal, pag-unawa, at pagtuturo ng mabuting halimbawa.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome, magbalik-tanaw tayo sa kanyang tapat at walang pagpapanggap na panglilingkod sa Panginoon.  Maging inspirasyon sana siya sa atin na patuloy na magpakita ng katapatan at integridad sa ating gawain bilang mga katekista, lalo na sa panggamit ng social media bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pagababahagi ng mga aral ng Simbahan.

Panalangin:

Panginoon, tulungan mo kaming maging tapat at tunay sa aming pananampalataya, gaya ni San Bartolome.  Gabayan mo kami sa aming patuturo sa aming kapwa upang maipadama namin ang iyong pag-ibig sa lahat ng mga taong aming makakasama.  Amen.

PAGMAMAHAL SA DIYOS AT SA KAPWA

St. Rose of Lima Parish Church, Bacacay, Albay

ISANG PAGNINILAY
St. Rose of Lima, Virgin
Secondary Patroness of the Philippines
Matthew 22:34-40

"Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."

Sa Ebanghelyo ayon kay Mateo ay sinabi ni Hesus ang mahalagang utos na "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip, at ibigin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili."  Ito ay isang panawagan sa atin na magkaroon ng tunay na pagmamahal sa Diyos kasama na rin ang pagmamahal at pag-respeto sa ating kapwa tao.

Si Santa Rosa ng Lima ay isang halimbawa ng isang taong masunurin sa utos na ito.  Sa kabila ng kanyang paghihirap at mga pagsubok, nanatili siyang tapat sa kanyang pananampalataya at nagpakita ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at paglilingkod sa mahihirap.  Ipinakita niya na ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay nakaugat sa pagmamahal sa kapwa tao.

Bilang isang katekista, ang ating pagtuturo ay hindi lamang nakatuon sa katuruan ng doktrina ng Simbahan kundi pati na rin sa pagtuturo ng pagmamahal at respeto sa kapwa.  Ipakita natin sa ating mga mag-aaral ang halimbawa ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa pamamamgitan ng ating mga salita at gawa.

Ang mga katekista na nasa social media ay may malaking papel sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos at pagtuturo ng kabanalan sa online na mundo.  Sa pamamagitan ng kanilang mga post, mga mensahe, at mga aktibidad sa social media, maaari silang maging daan upang ipakita ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa isang modernong paraan.

Sa gitna ng maraming distraksyon at negatibong impluwensya sa social media, mahalaga na maging matatag at tapat sa ating pananampalataya at magpakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa lahat ng oras at pagkakataon.  Sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapakita ng tunay na pagmamahal, tayo ay magiging mga tagpagtaguyod ng pagamamahal at kabutihan sa ating lipunan.

Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa ay hindi lamang simpleng utos kundi ito rin ay landas patungo sa tunay na kaligyahan at kapayapaan ng ating puso at kaluluwa.  Nawa'y patuloy nating isabuhay at ipamuhay ang mga salitang ito sa araw-araw nating buhay bilang mga alagad ni Hesus sa mundo.

8.22.2024

NOT EVERYTHING IS ABOUT YOU


Hindi lahat ay tungkol sa iyo. Ang mundo ay isang malawak na lugar na puno ng iba't ibang tao, karanasan, at pananaw. Mahalaga na tayo ay magkaroon ng pag-unawa sa katotohanang ito, lalo na sa ating pagtanggap at pagsunod sa mga kalooban ng Diyos.

Bilang mga alagad ni Hesukristo, mahalaga na maunawaan natin na hindi lahat ay kailangang nakatuon sa atin. Ang ating layunin bilang mga Kristiyano ay maglingkod, magmahal, at magtaguyod ng kapayapaan at katarungan. Hindi natin kailangan isiping tayo ang sentro ng mundo, bagkus ang Diyos lamang ang kailangang nating pagtuunan ng pansin.

 

Sa pagiging katekista, mayroon tayong tungkulin na ipamahagi ang mga aral ni Kristo sa ating mga kabataan at kapwa Kristiyano. Hindi kailangang lumabas mula sa ating mga sarili ang magpakabahala kung tayo ba ay nakikilala at pinapansin ng iba. Ang mahalaga ay ang mga mensahe ng Mabuting Balita na ating ibinabahagi at ang pagtutok sa pagtupad ng kalooban ng Diyos.

 

Sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at social media, mahalaga rin ang papel ng mga katekista sa pagiging bahagi ng online community. Bagamat mahirap pigilan ang pansariling interes at paghahanap ng atensyon, mahalaga pa rin na maunawaan natin na hindi lahat ay tungkol sa atin. Ang pagpopost sa social media ay kailangan na may layuning magdala ng biyaya at pag-asa sa mga tao, at hindi lamang pampasikat o pampersonal na kapakinabangan.

 

Ang mahalaga ay ang pagiging bukas at mapagbigay sa iba, na laging handang makinig at tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa. Hindi lahat ay tungkol sa atin, ngunit sa pagtanggap at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, magiging mas mabunga at makahulugan ang ating buhay.

 

8.21.2024

PAGTITIWALA AT PAGSUNOD


ISANG PAGNINILAY

Queenship of Mary

Lucas 1:26-38

 

“Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki.”

 

Sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas, may isang makabuluhang pangyayari na naganap kay Birheng Maria. Pinapahayag sa kanya ng anghel na si Gabriel ang balita na "Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki." Ang pangyayaring ito ay nagbigay daan sa pagsilang ng ating Panginoong Hesus, ang Anak ng Diyos.

 

Ang pagiging Ina ni Maria kay Jesus ay naglalarawan sa kanyang pagiging Reyna ng Langit at Lupa. Pinili ng Diyos si Maria upang maging Ina ng Kanyang Anak, ipinagkaloob sa kanya ang prebilehiyo na magsilang at mag-alaga kay Hesus. Ipinapakita ng kanyang pagsunod at pagsang-ayon sa plano ng Diyos ang kanyang katangian bilang isang banal na Ina at Reyna.

 

Bilang isang katekista, mahalaga na bigyan natin ng pansin ang papel ni Maria sa ating pananampalataya. Katulad ni Maria, tayo rin ay inaanyayahang maging tapat at masunurin sa mga kalooban ng Diyos. Mahalaga na ihanda natin ang ating sarili upang tanggapin ang mga misyon at pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos, gaya ng pagtanggap ni Maria sa pagiging Ina ni Hesus.

 

Sa panahon ngayon kung saan patuloy ang paglaganap ng social media, mahalaga rin ang papel ng mga katekista sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Ngunit may mga hamon at pagsubok na dumarating sa atin, gaya ng pagiging biktima ng fake news at pagkakalat ng maling impormasyon. Bilang mga alagad ng Diyos, kailangan nating itaguyod ang tamang paniniwala at huwag magpapadala sa mga tukso ng mundo.

 

Sa patnubay ni Birheng Maria, ipinakita niya sa atin ang kahalagahan ng pagtitiwala, at pagsunod sa Diyos. Sa ating pagiging katekista, mahalaga na sundan natin ang halimbawa ni Maria sa pagpapakumbaba at pagsunod sa mga plano ng Diyos. Sa harap ng mga hamon at pagsubok, hinihikayat tayo ni Maria na patuloy na magtiwala at maglingkod sa Panginoon.

8.16.2024

PANANAMPALATAYA NA TULAD NG ISANG MUNTING BATA



 ISANG PAGNINILAY

Saturday | 19th Week, Ordinary Time

Gospel: Matthew 19:13-15

 

“Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.  Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.”

 

Sa Mabuting Balita ayon kay Mateo, sinabi ni Hesus ang mga salita, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.  Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.”  Ang mga salitang ito ay nagtataglay ng makapangyarihang mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap at pagyakap sa mga inosente at kadalisayan ng mga bata upang makapasok sa Kaharian ng langit.

 

Bilang isang katekista at ordinaryong tao, maiuugnay ko ang mga katagang ito sa pamamagitan ng pagkilala sa kahalagahan ng pag-aalaga at pagpapaunlad ng aking pananampalataya, pananampalatayang may katangian ng isang munting bata tulad ng pagtitiwala sa Diyos. Ang mga bata ay nagtataglay ng pagkamangha na madalas na nawawala habang tayo ay tumatanda. Sa pamamagitan ng pagyakap sa pananampalatayang tulad ng munting bata, mabubuksan ko ang aking sarili sa biyaya at pag-ibig ng Diyos, na nagpapahintulot sa akin na makapasok sa Kaharian ng langit.

 

Mahalagang alalahanin ang mga salita ni Hesus at tiyakin na lumilikha tayo ng isang kapaligirang nakakaengganyo at inklusibo para sa mga bata. Nangangahulugan ito ng pagbibigay sa kanila ng mga kasangkapan at patnubay na kailangan nila upang lumago ang kanilang pananampalataya at pag-unawa sa Diyos. Kailangan din nating pagsikapan na linangin ang kanilang sense of wonder and curiosity sa ating catechesis class, na hinihikayat ang mga bata na tuklasin at palalimin ang kanilang kaugnayan sa Diyos.

 

Sa panahon ngayon, kung saan malaki ang papel ng social media sa buhay ng mga bata at kabataan, mahalagang makibagay ang mga katekista sa mga bagong paraan ng komunikasyong ito. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga bata sa mga platform ng social media at paggamit sa kanila bilang mga toolpara ipalaganap ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos, makakaabot ang mga katekista sa mas malawak na audience at makakonekta sa mga bata sa paraang may kaugnayan at makabuluhan sa kanila.

 

Ang mga hamon na dulot ng bible passage ay nakasalalay sa mga pagkagambala at pagiging abala ng ating modernong mundo, na kadalasang humahadlang sa atin na tunay na yakapin ang pagiging simple at kadalisayan ng isang pananampalatayang tulad ng munting bata. Bilang isang katekista, mahalagang kilalanin ang mga hamong ito at humanap ng mga paraan upang malampasan ang mga ito. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang mapag-aruga at sumusuportang kapaligiran para sa mga bata na tuklasin ang kanilang pananampalataya, na nagbibigay sa kanila ng mga pagkakataon para sa panalangin, pagmumuni-muni, at komunidad.

MAGING MAPAGPASALAMAT AT MAPAGPAKUMBABA


 

ISANG PAGNINILAY

Friday | 19th Week, Ordinary Time

First Reading: Ezekiel 16:1-15, 60, 63

 

“Natanyag sa lahat ng bansa ang iyong kagandahan pagkat lalo itong pinatingkad ng mga palamuting iginayak ko s aiyo.  Ngunit nagging palalo ka dahil sa iyong kagandahan.”

 

Sa aklat ni Ezekiel, ipinakita sa atin ang isang talata na nagsasabi tungkol sa isang babae na biniyayaan ng dakilang kagandahan. Ang kagandahang ito ay lalong nadagdagan ng mga palamuting ibinigay sa kanya. Gayunpaman, sa halip na magpasalamat sa kanyang kagandahan, siya ay naging mapagmataas at mayabang. Sa Pagbasa na ito ay makikita bilang isang salamin ng kalikasan ng tao at kung gaano natin madalas na pinababayaan ang ating mga pagpapala, na humahantong sa atin na maging mapagmataas at makasarili.

 

Bilang isang katekista, mahalagang pagnilayan ko ang talatang ito at isaalang-alang kung paano ito naaangkop sa sarili kong buhay at ministeryo. Bilang isang taong inatasang magturo at gumabay sa iba sa pananampalataya, napakahalaga para sa akin na manatiling mapagpakumbaba at tumuon sa biyaya at pagpapala na ibinigay sa akin ng Diyos, sa halip na maging mapagmataas.

 

Ang talatang ito ay nagsisilbi ring paalala sa lahat ng mga katekista, lalo na sa mga aktibo sa social media, na madaling mahulog sa bitag ng paghahanap ng validation at attention sa pamamagitan ng likes at shares. Kailangan na tayo ay maging maingat sa paggamit ng ating plataporma para sa makasariling pakinabang at sa halip ay gamitin ito bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng mensahe ng pag-ibig at biyaya ng Diyos.

 

Malinaw ang hamon na ipinakita sa talatang ito - ang manatiling mapagpakumbaba at magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Bilang isang katekista, tinatawag akong manguna sa pamamagitan ng halimbawa at ipakita sa iba ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at pasasalamat sa ating paglalakbay sa pananampalataya.

 

8.01.2012

YEAR OF FAITH

QUESTIONS AND ANSWERS ABOUT THE YEAR OF FAITH

1.    What is the Year of Faith?

At certain times in the history of the Church, popes have called upon the faithful to dedicate themselves to deepening their understanding of a particular aspect of the faith. In 1967, Pope Paul VI announced a Year of Faith commemorating the 19th centenary of the martyrdom of Sts. Peter and Paul. The 1967 Year of Faith called upon the Church to recall the supreme act of witness by these two saints so that their martyrdom might inspire the present day Church to collectively and individually make a sincere profession of faith.

The upcoming Year of Faith declared by Pope Benedict XVI is a “summons to an authentic and renewed conversion to the Lord, the One Savior of the world” (Porta fidei 6). In other words, the Year of Faith is an opportunity for Catholics to experience a conversion – to turn back to Jesus and enter into a deeper relationship with him. The pope has described this conversion as opening the “door of faith” (see Acts 14:27). The “door of faith” is opened at one’s baptism, but during this year Catholics are called to open it again, walk through it and rediscover and renew their relationship with Christ and his Church.

2.    Why is the Year of Faith this year?

With his Apostolic Letter of October 11, 2011, Porta fidei, Pope Benedict XVI declared that the Year of Faith will begin on October 11, 2012 and conclude on November 24, 2013. October 11, the first day of the Year of Faith, is the fiftieth anniversary of the opening of the Second Vatican Council (Vatican II) and also the twentieth anniversary of the Catechism of the Catholic Church. During the Year of Faith, Catholics are asked to study and reflect on the documents of Vatican II and the catechism so that they may deepen their knowledge of the faith.

3.    The Year of Faith begins in October 2012 with a Synod on New Evangelization. What is a synod?

A synod of bishops is a gathering of bishops, selected from different areas of the world, who meet with the pope to discuss questions pertaining to the activity of the Church in the world. This meeting of bishops helps to foster a closer unity between the bishops and the pope, and provides counsel to the pope. Pope Benedict XVI has situated the Synod on the New Evangelization (October 7-28) at the beginning of the Year of Faith (October 11).

4.    How are Year of Faith and New Evangelization linked?

The New Evangelization is a call to each Catholic to deepen his or her own faith, have confidence in the Gospel, and possess a willingness to share the Gospel. The New Evangelization is first and foremost a personal encounter with Jesus Christ; it is an invitation to deepen one’s relationship with Christ. It is also a call to each person to share his or her faith with others. The Year of Faith, just like the New Evangelization, calls Catholics to conversion in order to deepen their relationship with Christ and to share it with others.

5.    How does the Year of Faith affect the average Catholic?

Every baptized Catholic is called through baptism to be a disciple of Christ and proclaim the Gospel. The Year of Faith is an opportunity for each and every Catholic to renew their baptismal call by living out the everyday moments of their lives with faith, hope and love. This everyday witness is necessary for proclaiming the Gospel to family, friends, neighbors and society. In order to witness to the Gospel, Catholics must be strengthened through celebrating weekly Sunday Mass and the Sacrament of Reconciliation.

Pastors are encouraged to provide their parishioners with opportunities to deepen their faith during the Year of Faith through retreats, special liturgies, Bible studies, service opportunities and formation sessions on the catechism and sacraments.

6.    What are some key resources for the Year of Faith?

Catholics wishing to deepen their faith during the Year of Faith should start by exploring the Evangelization and Catechesis section of the USCCB website. Numerous catechetical resources, prayers and other resources have been prepared for the Year of Faith and the New Evangelization that can be viewed and downloaded for free. Catholics should also consider studying the documents of Vatican II and the catechism. Another resource is the United States Catholic Catechism for Adults, which takes the teachings of the catechism and shares them within a uniquely American context and highlights American Catholic saints and role models. Catholics can also talk to their pastors and other parish leaders to learn about what activities and opportunities will be taking place within their communities. Most importantly, Catholics seeking to deepen their faith should pray daily, study Scripture and celebrate weekly Sunday Mass.  

----------------------------------------------------



LIVE CHRIST, SHARE CHRIST


                           ---------------------------------------------------------------------------------

7.31.2012

ANG KAGANDAHAN



Walang ginagawa sa kanilang sarili pero kung iyong tititigan ang mga bulaklak na ito, mas higit pa ang kagandahan nila kaysa ating mga beauty queens.


Marami ang nagsasabing ang kagandahan ay hindi nakikita sa panglabas na anyo kundi nasa kalooban. Masasalamin ang kagandahan ng loob sa pamamagitan ng kanyang mga mabubuting gawa.


Gayunpaman, marami ang nagpapaganda sa kanilang panglabas na anyo kaysa loob.  Ebedensiya  d’yan ang mga naglalabasang produktong pampaganda.  Nagsusulputang parang mga kabote na beauty parlor.  Mga billboard at commercial na nang-aakit. Hindi lamang tinatapyas ang katawan kundi pati tabas ng mga damit kita na ang langit. Nagpapaglamorosa sa kasuotan.

Ang tao ay tunay na maganda.  ‘yan ang tunay n’yang kalikasan.  Sapagkat siya ay nilikha ng Diyos.  At ang Diyos ay maganda.  At lahat ng kanyang nilikha ay maganda at mabuti. 

Babalikan ko ang pag-uusap ng Diyos at si Adan.  Tinanong ng Diyos si Adan, “Saan ka naroon?”  “Natakot po ako nang marinig kong kayo’y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” sagot ng lalaki.  Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? [Genesis 3: 8-11]. 

Nais ko ring magtanong.  Sino ang nagsasabing pangit ka?  Kapag tinawag pong pangit ang isang tao, hindi ba pinipintasan natin ang nilikha ng Diyos o ang Diyos mismo?  Gusto nating higit pang mas maganda pa kaysa Diyos kung kaya’t pati mga gawa n’ya ay pinakikialaman natin.  Ano ba ang pananaw mo sa kagandahan?  Ano ang nag-uudyok sa iyo para higit ka pang magpaganda?  Hindi ka ba kuntento sa ibinigay sa iyo ng Diyos?  Bakit?

Tinukso ng demonyo si Jesus.  Sinabi nito sa kanya, ‘Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.’ “  Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoong mong Diyos.’ “ 

Ano ang mapapala ni Jesus kung siya ay magpapatihulog?  Magiging sikat siya.  Subalit nais ni Jesus ay ang maging ordinaryong tao.  Hindi ba Diyos siya pero pinili niyang maging tao? Isang karpentero?

Hindi kaya ang ating sinasabing pagpapaganda ay dahil gusto nating maging sikat din?  Kinikilala?  Pinagkakaguluhan?  Sinasamba? 

Bakit? 

Sino ang may sabing pangit ka?



10.13.2011

BISHOP LUIS ANTONIO TAGLE: NEW ARCHBISHOP OF MANILA



CBCP NEWS
MANILA, October 13, 2011
Pope Benedict XVI has appointed Imus Bishop Luis Antonio Tagle, a known theologian, as the new archbishop of Manila.
At 54, Tagle will succeed Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales who served the influential post for eight years.
Archbishop-elect Tagle’s appointment was officially announced in Rome on October 13 at 12:00 noon (6:00 pm, Manila time).
The information was officially received by the Media Office of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Thursday in a communiqué from the Apostolic Nunciature in Manila.
“I write to inform you that the Holy Father Pope Benedict XVI has appointed His Excellency Most Reverend Luis Antonio Tagle, until now Bishop of Imus, as Archbishop of Manila,” said Monsignor Gabor Pinter, Charge D’ Affaires.
Rosales, who just turned 79 years old last August 16, earlier said that the Vatican has already accepted his resignation early this year and was just waiting for his successor to be named.
The cardinal submitted his resignation in 2007 when he turned 75, the mandatory retirement age for prelates, but the pontiff extended his term indefinitely.
Born in Manila on June 21, 1957, Tagle took his Philosophy and Theology at the Ateneo De Manila University’s San Jose Major Seminary.
He was ordained to the priesthood on February 27, 1982, at the age of 25.
From 1985 to 1992, he was sent for further studies at the Catholic University of America in Washington D.C. where he earned his Doctorate in Sacred Theology.
Since 1997, Tagle is a member of the International Theological Commission of the Vatican. In 1998, he was an expert at the Special Assembly of the Synod of Bishops for Asia that took place in Rome.
On December 12, 2001, he was ordained Bishop of Imus. Since then, his activities have been as numerous as in the past. He travels throughout the country in answer to many invitations as a speaker.
At the Synod of Bishops held in Rome in 2005, he was elected member of the post-synodal Council and assistant to Cardinal Angelo Scola, general reporter of this Synod.
Tagle is currently the chairman of the Commission on Doctrine of the Faith of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
No date yet has been set for the installation of the new Manila archbishop. 
----------------------------------------------

9.06.2011

PRAYER OF COMMITMENT



PRAYER OF COMMITMENT

A MILLION ROSES FOR THE WORLD FILIPINOS AT PRAYER, PEACE FOR ALL NATIONS

ALMIGHTY GOD,
WE ADORE YOU AND WE PRAISE YOU
FOR BLESSING MARY AMONG ALL WOMEN
AND CREATING HER FULL OF GRACE.

THROUGH MARY,
WE RECEIVED JESUS YOUR SON
WHOSE BIRTH HAS MADE ALL THINGS NEW FOR US HERE ON EARTH.

WE SEEK YOUR BLESSING THROUGH HER PRAYING HANDS,
SO THAT PEACE MAY REIGN IN THE WORLD
AND HARMONY MAY BE ESTABLISHED AMONG ALL NATIONS.

I COMMIT TO PRAY THE ROSARY EVERYDAY,
AS MUCH AS POSSIBLE WITH MY FAMILY,
FOR EACH AND EVERY NATION ON EARTH
SO THAT WAR MAY END,
FAMINE MAY CEASE,
TERRORISM MAY STOP,
JUSTICE MAY REIGN
AND ONLY YOUR LOVE AND MERCY MAY PREVAIL.

I COMMIT TO LIVE IN THE STATE OF GRACE,
TO AVOID ALL OCCASIONS OF SIN
AND TO RECEIVE HOLY COMMUNION
AS FREQUENTLY AS MY SITUATION MAY ALLOW
SO THAT YOUR NAME MAY BE GLORIFIED
AND ALL PEOPLES MAY KNEEL DOWN BEFORE YOU GOD OF PEACE
IN WORSHIP, ADORATION AND THANKSGIVING
NOW AND FOREVER.

AMEN


IMPRIMATUR: THE MOST REV. SOCRATES B. VILLEGAS, D.D.
ARCHBISHOP OF LINGAYEN-DAGUPAN
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A MILLION ROSES FOR THE WORLD


A MILLION ROSES A DAY…FOR ALL PEOPLES…IN EVERY NATION…FILIPINOS AT PRAYER…REACHING OUT TO THE WORLD

In response to our theme for this year ―FRC Reaching Out to the World‖, the 60th National Assembly of the Family Rosary Crusade adopted by acclamation the Project that we are launching today:  A MILLION ROSES FOR THE WORLD.

We are enlisting One Million Filipinos to pray five decades of the Holy Rosary everyday from October 10, 2011 to May 30, 2012, each day from Monday to Saturday dedicated to one nation in the world while the Sunday Rosary if reserved for our own families and nation, the Philippines.

The goal is to bring all the people is all the nations of the world to Jesus and His Father and the Holy Spirit…through Mary Our Blessed Mother …to bring His Peace, Love, Joy and tranquility to every people and every nation, no matter how great or how small, as a gift of love, faith and goodwill from the people of the Philippines.

Pope Pius XI once said: ―Give me an army praying a million rosaries a day and we will conquer the world.  We are not out to conquer the world…but to save it for God to whom it rightly belongs.

In almost every nation in the world, the Catholic Church and its faithful is facing a confrontation against the evil forces of secularism.  The late Pope John Paul II, now Blessed, foretold this ―final confrontation with the Church and the anti-Church, the Gospel and the anti-Gospel‖ which he said would be ―the greatest battle in the history of the Church. Pope Benedict XVI has decried the spreading secularism in the Church.  He warns of threatening clouds in the horizon, and not for us to lose heart, but to keep the flame of hope alive amid the increasing apostasy.  The world needs our prayers.  And we need to pray also for our families and our own country.  

Let this be out contribution…Filipinos at Prayer…Reaching Out to the World…To All Peoples… In Every Nation…With Love and Brotherhood… in Faith, Joy and Goodwill…A World at Prayer is a World at Peace.

Ambassador Howard Dee
Co-Chairman
A Million Roses for the World

---------------------------------------------

CATECHETICAL MONTH THEME AND POSTER: 2011

8.20.2011

BE FIRM IN FAITH


Pope Benedict XVI has complained that modern society has a certain "amnesia" about God as he lamented the dwindling of the faith during a visit to Spain, a once staunchly Catholic country that has seen the church’s grip on society fall dramatically since the end of the Fascist dictatorship of Francisco Franco.
Benedict was speaking Friday in general terms about the secularization that has taken hold in much of the West in a speech to a few hundred adoring young nuns gathered in El Escorial monastery, a UNESCO world heritage site about 30 miles (50 kilometers) northwest of the capital.
Benedict, in Spain to celebrate the church’s World Youth Day, told them their decisions to dedicate their lives to their faith was a potent message for today’s world.
"This is all the more important today when we see a certain eclipse of God taking place, a kind of amnesia which albeit not an outright rejection of Christianity is nonetheless a denial of the treasure of our faith, a denial that could lead to the loss of our deepest identity," he said.
Today, August 21, Pope Benedict XVI will lead the Papal Mass at the Cuatro Vientos Airfield as part of the closing ceremonies of the World Youth Day attended by at least two million people, including bishops, priests, and the rest of the delegates, including Filipinos.
In today’s final mass, the Pope is expected to urge the younger generation of Catholics to become "witnesses to their faith."
At the end of the final mass, the Holy Father is set to announce the country which will host the next World Youth Day.
Benedict’s main priority as Pope has been to try to reawaken Christianity in places like Spain. He has traveled here three times as Pope – an indication that he views it as a key battleground in his bid to remind Europe of its Christian heritage and the need for God to retake a place in daily life.
Like in much of Europe, the church in Spain has seen its influence wane in recent decades: Its stance on women, equality, gay rights, and abortion have alienated an increasingly educated and sophisticated middle class.
But Spain’s religious apathy also stems from the memories of its 1936-1939 civil war and aftermath, when the church was tightly linked to Franco’s repressive government, which ended in 1978.
Franco’s military revolt pitted Spain’s conservative aristocracy, some of its army and church against a left-leaning democratically elected Republican government.
Internecine violence led to churches being burned and dozens of priests and nuns being murdered in a conflict that saw atrocities committed on all sides.
After the war and because of its support of Franco, the church was granted many privileges, including a major role in overseeing public education.
A vestige of the war is the Valley of the Fallen, a monumental mausoleum Franco built for himself about 2 kilometers (1.5 miles) east of El Escorial. Though he was in the area Friday, Benedict made no stop at the monument, which is popular with tourists but remains a painful and divisive reminder for many Spaniards of the war and its aftermath.
Spain’s Socialist government would like to defuse the overtly victorious monument and transform it into a symbol of reconciliation.
Government ministers met on Friday with top Vatican officials and sought the church’s help in this transformation. Spanish private news agency Europa Press, citing government officials, said the Vatican had expressed "great openness" and "maximum comprehension" to the idea.
Vatican spokesman the Rev. Federico Lombardi confirmed the proposal had been raised and received attention during the meeting with Cardinal Tarcisio Bertone, the Vatican No. 2. But he said he couldn’t make any comment on the Vatican’s reaction.
Despite Benedict’s oft-repeated lament about the disappearance of God from daily life in Europe, he has no better evidence that Catholicism is alive and well than the World Youth Day celebrations under way in Madrid, the reason he is here.
Some 500,000 people from nearly 200 countries have signed up to participate in the weeklong prayer fest, which the church sees as a way to spread the faith to new generations. News reports say nearly twice as many may take part in the final Mass on Sunday.
Twelve lucky participants had lunch with the Pope Friday, including 29-year-old Sylvie Kambau, from the Democratic Republic of Congo. Kambau, who presented Benedict with a wooden statue, said the luncheon was "magnificent."
"He was a very simple person, very accessible," she told Associated Press Television News. "He received us like a father with his simplicity. He listened to us, he listened to us more than he spoke to us and it was a fantastic moment we had with him."
Late Friday, Benedict participated in a re-enactment of the death and crucifixion of Christ, a mainstay of World Youth Days. Meditations read out during the solemn service included prayers for young victims of war, poverty and sexual abuse, though there was no explicit reference to sexual abuse by priests.
In the Philippines, young people are holding simultaneous World Youth Day vigil at the Ateneo de Manila University campus in Quezon City until today. The event called "World Youth Day 2011: Madrid to Manila," is a manifestation that apart from the millions of people assembled in Madrid, millions of young Filipino Catholics share their faith and their aspirations. 
-------------------------------------------------------------------------
Source: