4.20.2011

IKA-SAMPUNG ISTASYON: ANG MAPALAD NA MAGNANAKAW


Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami.


Lucas 23:39-43
Siya ay nilalapastangan ng isa sa mga salaring nakabitin na sinasabi, “Hindi ba ikaw ang Kristo?  Iligtas mo ang iyong sarili at kami.”  Datapuwat sinagot siya noong isa upang sawayin, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos, yayamang ikaw ay nagdaranas ng gayon ding pagdurusa?  At matuwid na tayo’y magdusa, sapagkat ang iginawad sa atin ay yaong nararapat sa ating mga ginawa, datapuwat ito’y walang masamang ginawa.”  At sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”  Sinagot siya ni Jesus, “Tunay kong sinasabi sa iyo: sa araw na ito ay makakasama kita sa Paraiso.”

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
----------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgmxxZsb1v_6tgAuKcc0rVHemeOYgj3kGK-Qpn1VF2NC9RncnmIi2iXboKyMRNepr2Omxe7XxpbMNAdQlARJ2R-Aj6fWwWVFQXTk9Xcd_pSjVOK45BR20kn9ur4PGIOcxa8QyBDr_G6VJ4/s1600/crucifixion-mantegna.jpg

No comments:

Post a Comment

HAPPY NEW YEAR 2010!