4.20.2011

IKA-SIYAM NA ISTASYON: SI JESUS AY INALISAN NG MGA DAMIT AT IPINAKO SA KRUS

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Jesukristo...
Sapagkat sa Iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ay tinubos mo kami. 


Marcos 15:22-24
At dinala si Jesus sa dako ng Golgota na ang ibig sabihin ay pook ng bungo.  Doon ay binigyan siya nila ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ininom.  Pagkatapos, ipinako siya sa krus at pinaghatian ang kanyang mga damit; kanilang pinagsapalaran ito upang malaman kung ano ang bahaging mauuwi sa bawat isa.

[Maikling Katahimikan]

Ama Namin . . . . .
           Aba Ginoong Maria . . . . .
                                       Luwalhati . . . . .
---------------------------------------------------------------------------------------------
Source Image: http://www.gnostic.org/meditations/optimized/jesusnailedp.jpg

No comments:

Post a Comment

HAPPY NEW YEAR 2010!