12.26.2009
NILOOB NG AMA NA MAGING TAO SI JESUS PARA SA ATIN
Mahal mo ba ako?
Isang tanong ng isang manliligaw…ng nililigawan. Tanong ng isang anak…ng mga magulang. Tanong ng isang kaibigan. Tanong ng bawat isa sa atin.
Mahal mo ba ako?
Ano ang iyong tugon?
Mahal mo ba ako?
...tanong ng isang taong may hinahanap...naghahanap ng pagmamahal.
Ang bawat isa ay naghahangad na siya ay mahalin.
At sa paghahangad na ito, kadalasa’y nakakaligtaan natin ang pangangailangan ng ating kapwa.
Sapagkat . . .
Sa ating palagay . . .’di kailangan ng malalakas at makapangyarihan ang ating pang-unawa.
Sa ating palagay . . . ang mga nakaaangat sa buhay ay walang pakiaalam.
Sa ating palagay . . . ang mga namumuhay sa kawalan ay di tumatanaw ng magandang-loob.
Sa ating palagay . . . ang mga mahihina at maralita ay handang ipagpalit ang kanilang pagkatao kapalit ng pagkaing maihahanda sa hapag kainan.
Sa ating palagay . . . di kalilangan ng mga nagkasala sa atin ang ating pagpapatawad.
Hindi natin alam.
Ngunit ang Diyos na may likha ng lahat ang siyang may alam ng lahat.
Siya ang bukod tanging nakakabatid ng ating kalooban.
Ang tanging hangad niya ay ang ipadama na pag-ibig lamang ang magdudulot sa atin ng isang makabuluhang pamumuhay.
Nang dahil sa pag-ibig . . .
“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”
-Juan 3:16
“Naging tao ang Salita at Siya’y nanirahan sa piling natin”
-Juan 1:14
Ang Pagiging-Tao o “Incarnation” ang tawag natin sa pag-ibig na ito ng Diyos.
Ano ba ang kahulugan ng pagiging-Tao ni Jesus sa buhay mo?
Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo. Bilang tanda ng kanyang pakikiisa, si Jesus ay naging Tao katulad natin. Makikita natin sa larawan ang kanyang pagiging paslit. Katulad natin, siya ay sinilang, lumaki ng may karunungan bilang isang bata, at lumaki pa rin ng may kaalaman bilang isang binata.
Dahil sa pag-ibig ng Diyos Ama, ibinigay N’ya sa atin ang kanyang Bugtong na Anak na si Jesus. Si Jesus ay naging Tao tulad natin.
Paano si Jesus nagpakatao?
Paano siya nagpakatotoo?
•Nagtanong sa mga guro sa tamplo
•Sumunod sa kanyang mga magulang
•Nagtrabaho. Tumulong sa kanyang ama-amahan na si Jose.
•Nakisalamuha sa mga tao. Nakisama at nakipagkaibigan.
•Naawa sa mga taong maysakit
•Nagalit ng makita ang kalagayan ng templo
•Natuwa ng makapiling ang mga bata
•Lumuha ng namatay si Lazaro
•Nalungkot nang mabalitaan ang kamatayan ni Juan Bautista
•Pinawisan nang magdasal sa hardin ng Getsename
•Nilait ng mga kawal
•Nasaktan ng hagupitin ng latigo
•Nagdugo ang kalamnan ng ipataw ang koronang tinik sa kanyang ulunan
•Nauhaw
•Nagdusa sa kapalarang sinapit
•Namatay ng ipako sa Krus
Kailangan Niyang maging tao upang lubusan Niyang makilala at maintindihan ang mga nilalang na kanyang pag-aalayan ng buhay.
Sa kanyang mga karanasan, sinasabi Niya sa atin na: “IT IS ALRIGHT NA MAGING TAO”. “AYOS ‘TOL ANG MAGING TAO”.
Matapos ang ikatlong araw, si Jesus ay muling nabuhay at naghandog ng bagong buhay sa lahat ng mananalig sa kanya. Si Jesus ang Salita ng Diyos at Tagapamagitan natin sa ating Diyos Ama. Si JESUS ay ang DIYOS NA TOTOO at TAO NAMANG TOTOO.
Ang pagmamahal na ginawa ni Jesus ay higit pa sa pagpapahalaga Niya sa kanyang buhay. Ngayon, may tanong si Jesus na sadyang napakahalaga. At katulad ng mga tao sa ating paligid, siya ay nagtatanong:
“MAHAL MO BA AKO?”
Kung gayon . . .
“SUMUNOD KA SA AKIN.”
Sa pagiging tao ni Jesus, ipinakita ni Niya na ang pagsunod sa kalooban ng Ama ay pagpapakita ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Kaya, nais din ni Jesus na tayo ay sumunod sa Diyos ay ipakita an gating pag-ibig sa kanya.
Ito ang kanyang utos:
“Mag-ibigan kayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang Diyos ay pag-ibig . . . ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.”
- 1 Juan 4:7-20
Nilikha tayong mga tao, kaya, ang unang tawag sa atin ay MAGPAKATAO.
Ngayong Araw ng Pasko, ika-25 ng Disyembre, ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng pagsilang ni Jesus, ang pagiging-tao ni Jesus, ang Bugtong na Anak ng Diyos.
Nawa’y tunay ngang manahan sa ating puso si Jesus sa Paskong ito at mapuno tayo ng pag-ibig para sa ating kapwa na naghahanap ng pagmamahal mula sa atin.
MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!
12.23.2009
ANG PAGHIHINTAY
Naranasan mo na bang maghintay?
Ano ang iyong naramdaman? Bakit?
Mahabang oras na rin akong nakatayo rito. Sa katanuyan, nakaupo ako kanina sa hagdan. Nakahiga pa nga sa sahig. At para malibang, binibilang ko ang mga taong dumaraan sa harap ko…isang libo’t isa…isang libo’t dalawa…
Anong petsa na? Nangangalay na ang mga paa ko. Kinakagat na ako ng mga lamok dito. Pati langaw nakisawsaw na rin. Hanggang ngayon wala ka pa rin.
‘Asan ka na? Darating ka pa ba? Naiinip na ako. Nag-aalalaa na ako baka kung ano na ang nangyari sa’yo sa daan. Nagugutom na ako. Nauuhaw na ako. Nanghihina na ako. Pagod na ako. huh! ang hirap pa lang maghintay.
Nawawalan na ako ng pasensiya. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko nang pumasok sa loob ng bahay. Bahala ka na sa buhay mo. Nagpagwapo pa naman ako. Naghanda ng pagkain at mapapanis na sa tagal mo. aahhh….ayoko nang maghintay!!!!!!!
Ok, fine. Ilang sandali pa akong maghihintay sa iyo. Kahit naiinip na ako, umaasa pa rin akong darating ka. Ngunit, ang tanong: kailan? magreply ka naman sa mga text messags ko, plezzzz!!! May concern ka ba sa ‘kin?
Teka, baka lumampas na ang hinihintay ko at hindi ko namalayan na dumaan na pala siya…ohh…noooo…..
Sino nga ba ang hinihintay ko? Hahahahaha…nababaliw pala ako…
Ikaw, sino ang hinihintay mo?
Sa buhay, maraming paghihintay ang ating nararanasan. Ang mga mag-asawa ay naghihintay ng anak. Ang mga mag-aaral naghihintay makagradweyt. Ang mga magsasaka, naghihintay sa pagtubo at pamumunga ng mga pananim. Ang mga maysakit, naghihintay gumaling. Ang mga bulag ay naghihintay na makakita. Ang mga pipi ay naghihintay na makapagsalita ng maatuwid at maayos. Ang mga bingi ay naghihintay na makarinig. Ang mga pilay ay naaghihintay na makalakad. Ang mga manliligaw naghihintay ng matamis na “oo” sa kanyang nililiyag.
Bawat isa, may hinihintay. Iba’t-iba ang hinihintay. May iba’t-ibang paraan ng paghihintay. Ngunit hindi lahat ay nakapaghihintay. Kung kaya may mga hinog sa pilit. May mga instant products. Nawawalan ng pag-asa. Dahil dito, may nagpapatiwakal sapagkat ayaw nang maghintay… ayaw nang maghirap.
Ang paghihintay ay isang biyaya. Ang taong naghihintay ay nakatatanaw ng pag-asa. at ang taong umaasa ay hindi napapagod maghintay na sa kabila ng kadiliman ay may liwanag na masisilayan. Na sa kabila ng paghihirap ay may tagumapay na makakamtan. Na sa haba ng paglalakbay, makakarating din sa paroroonan. Kaakibat ng paghihintay ay sakripisyo.
Ang taong naghihintay ay nagbibigay pag-asa at liwanag sa kapwa. Kung kaya, masaya siyang naghihintay. Lalo na kung ang iyong hinihintay ay ang taong nagmamahal sa’yo. Mahalaga sa’yo. Nagpapahalaga sa’yo.
Ang Diyos din ay naghintay ng mahabang panahon upang magkaroon ng tao sa mundo. Nagbilang Siya ng ilang milyong taon sa paghihintay ngunit siya ay tahimik na naghihintay.
At ngayonG Adbiyento, naghihintay tayo sa pagdating ni Jesus.
At ang tanging panalangin ay: “Halina, Jesus, halina. Manahan ka sa aking puso”
12.02.2009
PAGHAHANDA
Anu-ano ang mga ginagawa natin kapag may darating na bisita?
Siempre, naghahanda.
At anu-ano namang paghahanda ang ginagawa natin?
Karaniwan na ang pag-lilinis ng bahay. Pinapaganda ang loob nito. Nililigpit ang mga kalat. Sinisigurado na maging maayos ang lahat.
Ginagawa natin ito sapagkat espesyal sa atin ang bisita. Nais nating maging kalugod-lugod sa kanya.
Maihahalintulad natin ang bahay sa ating mga sarili. Kailangan ang paglilinis ng loob upang ihanda ang ating sarili sapagkat darating ang nagmamahal sa atin.
Anu-anong paghahanda ang ginagawa mo kapag darating ang iyong manliligaw o nililigawan? ‘Di ba, nag-aayos ka ng sarili? Nand’yan ang naliligo ka. Nagpapaganda. Nagsusuot ng malinis na damit. Umaalingasaw sa pabago. Halos hindi ka mapakali. Pabalikbalik sa salamin para makasiguro na nasaayos ang bawat hibla ng iyong buhok.
Pero, sapat na ba ang paghahanda ng panglabas na kaanyuan. Tulad ng bahay, kailangan ang paglilinis ng loob bilang paghahanda sa isang taong mahalaga sa atin. Ang paghahandang ito ay ginagawa natin sa panahon ng Adbiyento.
Ang Adbiyento ay nangangahulugan ng pagdating ng ating Panginoong Jesuskristo. Tayo ngayon ay nasa Panahon na ng Adbiyento. Bagong taon sa ating “liturgical year”. Ang Adbiyento ay apat na linggong paghahanda – paghahanda sa pagdating ng ating Panginoon.
Ang Simbahan ay nag-aanyaya sa atin tungo sa pagbabago ng ating sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng Sakramento ng Pagbabalik-loob upang maging karapat-dapat at kalugod-lugod tayo sa pagdiriwang ng pagdating ni Jesus – ang kanyang kapanganakan, sa kanyang presensiya sa atin sa ngayon at sa kanyang muling pagbabalik sa huling paghuhukom.
So, ano ang gagawin natin?
Kailangan maging masigasig tayong malaman kung anong suhestiyon ng ating mga Pagbasa sa panahong ito upang ating maging gabay.
Jeremias 33:14-16
Sinabi pa ni Yahweh, “Dumarating na ang araw na tutuparin ko ang aking pangako sa Israel at Juda. At sa panahong iyon, pasisibulin ko ang matuwid na sanga ni David. Paiiralin niya ang katarungan at ang katwiran sa buong lupain. Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga-Jerusalem. At sila’y tatawagin sa pangalang ito: “Si Yahweh an gating katwiran.”
Ang Pagbasang ito ay nakatuon sa panahon ng kaganapan na ipinangako ng ating Diyos. Ang tekstong ito ay nag-aanyaya sa atin na maging mapagtiwala sa ipinangako sa atin ng Diyos [kapayapaan, katarungan, kaligtasan]. Ang pagtitiwala sa Diyos ay magpapanatili sa ating ugnayansa kanya. Ang Diyos ay Diyos ng mga pangako na tumutupad sa kanyang ipinangako.
Mula naman sa Unang Sulat ni San Pablo Apostol sa mga Taga-Tesalonica, “Palaguin nawa at pag-alabin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa’t-isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Kung ito ang mangyayari, palalakasin niya ang inyong loob. Sa gayon, kayo’y mananatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang mga hinirang niya. Mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana’y lalo pang paagbutihin ninyo ang pamumuhay ninyo ngayon-pamumuhay ayon sa inyong natutuhan sa amin-upang kayo’y maging kalugod-lugod sa Diyos. Batid naman ninyo ang mga aral na ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Jesus” [3:12-13;4:1-2].
Ito ay nakatuon sa pagdating ni Jesus. At iminumungkahi kung paano maghahanda sa pagdating ng Panginoon. Ang susi sa paghahanda ay ang salitang ‘pag-ibig’. Isang pag-ibig na naglilingkod. Umiibig sa lahat. Niyayakap ang lahat. Walang pinipili. Isa pang pamamaraan ng paghahanda ay ang ‘manatiling banal’. Kung ito ay ating pagninilaynilayan, nangangahulugan ito ng pagtalikod sa kasalanan.
Maaaring mukha tayong banal ngunit sa kaibuturan ng ating puso, tayo ay punung-puno ng “butas” [malisyoso, matakaw – tulad ng matakaw sa kapangyarihan, puno ng galit, magnanakaw, at iba pa].
Kung paano pa tayo maghahanda, narito naman ang sinasaad sa Ebanghelyo ayon kay San Lucas 21:25-28; 34-36. “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyongng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karanagalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.” “Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon nang hindi inaasahan ng tao sa buong daigdig. Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkakaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.
Binibigyan diin sa Ebanghelyong ito ang Pagadating ng Anak ng Tao. Bilang paghahanda, tinuturuan tayo kung ano ang ating maging gawi, maging handa at manalangin.
Ang Ebanghelyo ay walang intensiyon na takutin tayo kundi ang palakasin tayo. Nais ipahayag ng Ebanghelista kung gaano kadrama ang pagdating Panginoon.
Sa pagdating ng Anak ng Tao kailangan tayo ay maging handa, ibig sabihin ay pagtalikod sa mga gawaing imoral, mga bisyo, mga takot sapagkat ito ang magpapahina sa puso’t isipan natin.
Sa ating pagdiriwang ng Pasko, kailangan tayo ay nasa diwa ng panalangin at pagpapasalamat upang ating ma-enjoy ang presensiya ng Diyos sa ating puso.
Sa puntong ito, tayong mga Kristiyano ay inaanyayahan na ituon ang ating sarili sa ating buhay pangkaluluwa.
Ang Panahon ng Adbiyento ay naghihikayat sa atin ng suriin ang kaibuturan ng ating loob at isipin kung paano pa higit tayong makipag-ugnayan sa Diyos.
Huwag tayong mabighani sa mga bagay na hindi naman kailangan just to please everybody tulad ng party dito at party doon, sobrang katakawan, bili dito at bili doon.
Kung walang paghahandang pangkaluluwa, ang pagdiriwang ng Pasko ay isa lamang sa mga social events, walang kahulugan, nagsasayang lamang ng pera at oras
Sa panahon ng Adbiyento, nawa’y pagsumikapan nating dumalo sa mga recollections, dumalaw sa Blessed Sacrament, at magkawanggawa.
Maipapakita natin ang pagiging handa sa pagdating ng Panginoon pamamagitan ng pakikilahok sa Banal na Eukaristiya. Sa Banal na Eukaristiya, ipinagdiriwang natin ang pagdating ni Jesus, noon, ngayon at bukas. Sa anyo ng tinapay at alak, isinasagawa ni Jesus ang kanyang pagdating at presensiya sa gitna natin. Sa Banal Na Eukaristiya, nagbibigay tayo ng panahon sa piling ng Pangioon. Ang Banal na Eukaristiya ay sagisag ng walang hanggang pag-ibig ng ating Panginoon. Hindi lamang isang bisita si Jesus kundi siya ay makikipamahay sa atin. Kailangang linisin ang loob, ang ating puso sapagkat doon siya mananahan.
Patutuluyin mo ba si Jesus sa iyong puso?
Kung oo,
Anong paghahanda ang iyong gagawin?
11.02.2009
ANG KALULUWA NG GININTUANG TINIG NI NORA AUNOR
Ginto. Isang batong nakatago sa pagitan ng lupa at tubig. Pilit na hinuhukay sapagkat ito ay kayamanang nakabaon. Na kapag iyong pinakiaalaman, guguho ang mundo. Pinagkakaguluhan. Pumukaw sa damdamin ng mga may makasariling damdamin upang maging dahilan ng alitan. Buhay at salapi ang kapalit. Pinahahalagahan. Ilan lamang pinagkalooban ng ginto. Hindi lahat.
Ngunit, may isang taong tinuring na ginto. Siya ay may ginintuang puso at may angking ginintuang tinig. Siya si Ms. Nora Aunor. Ang kanyang tinig ay lumitaw at kumislap sa Tawag ng Tanghalan. Gintong bumighani sa madla. Tuluyang gumuho ang mundo ng showbiz. Pinagkaguluhan. Pinagkakitaan. Pinahalagahan.
Makalipas ang halos apat na dekada, patuloy pa ring kumikinang sa puso ng mga taong nagpapahalaga sa angking talento ni Nora, ngunit nakatago pa rin sa mga taong nabingi sa tinig niya.
Minsan ko nang narinig ang ginintuang tinig ni Nora sa panahon ng aking kabataan. At sa aking pagbibinata, naroroon ang pagkauhaw at paghahangad na muling mapakinggan ang boses ni Aunor. Isa sa ‘king mga inasam-asam ay ang matagpuan ang tinig ni Ate Guy. Sa aking paghahanap , dumating ang takdang sandali upang makita ang kayamanang kaylanman ay ‘di maglalaho. Natagpuan ko nga ang ginto na nagtatago sa mga estante ng “music bar” sa mga “malls”.
Sa tulong ng mdernong teknlohiya, napapakinggan ko ang ginintuang tinig ni Nora – 24/7.
Sa bawat sandal ng aking pakikinig, sumusuot sa bawat hibla ng aking ugat, humahalo sa aking dugo at tumatagos sa aking kaluluwa ang tinig ni Nora sa kanyang mga awiting punong-puno ng puso at kaluluwa, puspos ng pagmamahal at buhay na buhay.
Unti-unti akong natutunaw ng isang liwanag na tumatagos mula sa langit at sa pagbukas ng ulap, bumababa ang isang anghel na maghahatid sa isang pakikitagpo. Isang tinig na nagdadala sa aking katahimikan upang masambit ang mga katagang “Salamat Panginoon, sa isang Nora Aunor. Salamat sa ginintuang tinig ni Nora na iyong regalo para sa amin – na magpapakilala ng iyong kadakilaan at kapurihan.
Totoo na ang Diyos ay nagsasalita sa iba’t-ibang paraan. At siya ay naroroon sa tinig ni Nora. Nakatago. Kung hindi hahanapin ay di matatagpuan. Nasa tinig ni Nora ang diwa ng iyong mensahe. Nasa tinig ni Nora ang ginto . . . ang kayamanan . . . ang Diyos.
11.01.2009
TAWAG SA KABANALAN
Ano bang uri ng buhay ang nais mong tahakin?
Ano mang uri ng buhay ito, tayo ang gumagawa ng desisyon.
At sa bawat desisyong ating ginagawa, mas mainam na alamin din natin kung anong landas ang ating tatahakin ayon sa pangarap ng Diyos. Nang sa gayon, hindi hiwalay ang ating buhay sa ating pananampalataya.
Mainam na pagnilayan din natin kung ang buhay na tinatahak natin sa ngayon ay ayon ba sa ninanais ng Diyos para sa atin.
At ano naman ang landas na nais ng Diyos na ating tatahakin?
Ito ang landas ng pagpapakabanal. Isang buhay kung saan ang presensiya ng Diyos ay naghahari. Isang buhay na ganap. Ito rin ang susi ng kaligayahan natin.
Lahat tayo ay naghahangad na maging maligaya.
Para sa iba, ang kaligayahan ay naibibigay ang lahat ng gusto, naibibigay ang lahat ng pangangailangan at nagagawa ang gusto.
Ngunit, ito ay may hangganan. Paano kung hindi maibigay ang gusto at pangangailangan natin? Paano kung hindi natin magawa ang ninanais natin? Hindi na ba tayo magiging maligaya?
Hindi ganitong uri ng kaligayahan ang nais ng Diyos para sa atin. Ang nais ng Diyos ay kaligayahang walang hanggan. Ang kaligayahang ito ay maaari na nating makamit o eenjoy kung ang magiging attitude natin ay ang pagsasabuhay ng turo ni Jesus – ang Punong Kabanalan o Mapapalad.
Ano ang Punong Kabanalan?
Ayon sa Catechism of the Catholic Church, ang Punong Kabanalan ay sentro ng pangaral ni Hesus na naglalarawan ng kanyang pag-ibig at likas na tumutugon sa hangaring kaligayahan galing sa Diyos at iyon ay inilagay ng Diyos sa puso ng tao. Sa mga Punong Kabanalan ay natutuklasan ang layunin ng buhay ng tao, ang huling hantungan ng mga gawain ng tao [1716 - 1719 ].
Dugtong pa nito, sa pamamagitan ng Punong Kabanalan, itinuro sa atin ni Hesus, ang landas tungo sa ganap na kaligayahan, ang huling hantungang inaalok sa atin ng Diyos ang kaharian, ang kaganapan ng buhay [1726 ].
Sino ang mapapalad?
Matthew 5:1-11
Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are they who mourn, for they will be comforted.
Blessed are the meek, for they will inherit the land.
Blessed are they who hunger and thirst for righteousness, for they will be satisfied.
Blessed are the merciful, for they will be shown mercy.
Blessed are the clean of heart, for they will see God.
Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God.
Blessed are they who are persecuted for the sake of righteousness, for theirs is the kingdom of heaven.
Blessed are you when they insult you and persecute you and utter every kind of evil against you [falsely] because of me.
Ito ang paanya sa atin ni Jesus.
Tahakin ang landas ng kabanalan.
Tinatawag tayo na maging banal.
Anu-ano ba ang katangian ng isang banal?
Sa buod ng ”Punong Kabanalan”, tingnan natin ang salitang ”SAINT.”
S - A saint is someone who SHARES Jesus’ love for others, who shares all they have with those who do not have care, home friends, understanding, kindness... who share the good news of jesus and give their best even to those who might be enemies, because Jesus asked us to love even our enemies. Madaling magkaroon ng kaaway ngunit tayo ay tinatawag na maging banal. Hindi ang pagpili kung ano ang madali kundi ang pagpili kung ano ang tama at mabuti.
A - A saint is someone who ADORES God, and says He is number one in his or her life. He is more important than having fun, than TV, than any gadgets, than sleeping an extra hour, than anything or anyone in this world. Sa ating pagsamba sa Diyos, naniniwala tayo na siya ay nasa sa atin sapagkat binigay n’ya ang kanyang Simbahan, ang kanyang Salita, ang biyaya ng kanyang mga Sakramento. Maraming paraan na mararanasan natin ang presensiya ng Diyos.
I - A saint is someone who is INTERESTED in others. They want to know what is happening to others. Gusto n’yang malaman sapagkat nais niyang tumulong and make the world a better place for everybody. Sa ganitong paraan, ang kaganapan ng buhay ay mararanasan natin.
N - It stands for NOW. A banal ay nagnanais na gumawa ng tama at mabuti NGAYON, at hindi na naghihintay ng susunod na oras o bukas. Hindi niya sinasabi na ”God, I love you later”, but say to Him, ”God I love you NOW”. Saints always act NOW.
T - Saint say THANK YOU to God always and do not complain to Him about what they do not have. Nakikita ng isang banal na ang kabutihang-loob ng Diyos. Tulad ni Jesus, ang mga banal ay una sa lahat, nagpapasalamat sa Diyos na Ama nating lahat.
May kilala ka bang tao na may mga katangiang katulad nito?
Ang mga taong ito ay huwaran natin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Makikita natin na ang mga banal ay mga normal na tao na nagmamahal sa Diyos at kapwa. Ang mga banal ay nagnanais na isabuhay ang mga turo ni Jesus, ang ”Punong kabanalan o Mapapalad”. At bilang mga anak ng Diyos, tayo ay tinatawag na mabuhay ayon sa mga aral ni Jesus. Ito ang daan tungo sa tunay na kaligayahan.
Gusto mo bang maging banal?
God decides but that is not enough. You also have to decide to be a saint. The decision is yours to make. Ang mga Punong Kabanalan ay tinutulungan tayo ng mga tamang desisiyon. Tanging ikaw lamang ang makapagbibigay ng pagmamahal. Tanging ikaw lamang ang makatutugon ng ”OO” sa paanyaya ng Diyos.
Ang Diyos ay nag-aanyaya sa atin na maging banal. Inaanyayahan tayo na dalisayin ang ating pusong masasama ang hilig at hanapin ang pag-ibig ng Diyos ng higit sa lahat. [CCC 1723]
Sa katunayan ang Iglesia Katolika o Simbahang Katoliko ay Samahan ng mga Banal. Ang kasamahan ng mga banal ay ang mga taong nagsasabuhay ng kabanalan. Binubuo ito ng mga binyagan na naglalakbay dito sa lupa, ang mga banal o mga yumaong binyagan at ngayo’y nasa piling na ng Diyos sa kanyang kaharian [triumphant church] at mga yumaong binyagan na nananatili pa sa purgatoryo [suffering church].
Ang mga taong naglalakbay dito sa lupa [pilgim church] ay humihingi ng tulong sa mga banal upang maisabuhay ang kabanalan na dulot ay buhay na walang hanggan. Humihingi din ng tulong ang mga yumaong nasa purgatoryo sa mga taong naglalakbay upang makamit din nila ang muling pagkabuhay sa piling ng Diyos. Ganito ang pagkakaisa ng mga banal.
Ang mga namamatay sa grasia at sa pakikipagkaibigan sa Diyos at ganap na mga nalinis na ay nabubuhay magpakailanman kay Kristo. Sila ay natutulad sa Diyos, sapagkat nakikita nila Siya “sa kanyang tunay na sarili at harap harapan.” [CCC 1023].
Dahil sa pananampalataya ng mga Banal sa Diyos, sila ay ating pinararangalan.
Sa Banal na Eukaristiya, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng mga Banal – Nobyembre 1. Kaisa ng mga banal, tayo ay nagpupuri sa Panginoon. Gayundin, inaalaala natin at ipinagdarasal natin ang mga mahal sa buhay na namayapa na tuwing ika-2 ng Nobyembre.
Origin of All Saint's Day as a feast of the Church
What makes this feast so important that the Church celebrates both the night before All Saints and the day after it?
The Church has always honored those early witnesses to the Christian faith who have died in the Lord. (The Greek word for "witness" is martyr.) During the first three hundred years Christians were serverly persecuted, often suffering torture and bloody death -- because they were faithful . They refused to deny Christ, even when this denial might have saved their own lives, or the lives of their children and families.
The early history of the Church is filled with stories of the heroic faith of these of witnesses to Christ's truth. The stories of these saints -- these baptized Christians of all ages and all states in life, whose fidelity and courage led to their sanctity or holiness -- have provided models for every other Christian throughout history.
Many of those especially holy people whose names and stories were known, the Church later canonized (that is, the Church formally recognized that the life of that person was without any doubt holy, or sanctified -- a "saint" who is an example for us.) The Church's calendar contains many saint's days, which Catholics observe at Mass -- some with special festivities.
But there were thousands and thousands of early Christian martyrs, the majority of whose names are known only to God -- and throughout the history of the Church there have been countless others who really are saints, who are with God in heaven, even if their names are not on the list of canonized saints.
In order to honor the memory -- and our own debt -- to these unnamed saints, and to recall their example, the Church dedicated a special feast day -- a sort of "memorial day" -- so that all living Christians would celebrate at a special Mass the lives and witness of those "who have died and gone before us into the presence of the Lord".
This feast that we know as All Saint's Day originated as a feast of All Martyrs, sometime in the 4th century. At first it was celebrated on the first Sunday after Pentecost. It came to be observed on May 13 when Pope St. Boniface IV (608-615) restored and rebuilt for use as a Christian church an ancient Roman temple which pagan Rome had dedicated to "all gods", the Pantheon. The pope re-buried the bones of many martyrs there, and dedicated this Church to the Mother of God and all the Holy Martyrs on May 13, 610.
About a hundred years later, Pope Gregory III (731-741) consecrated a new chapel in the basilica of St. Peter to all saints (not just to the martyrs) on November 1, and he fixed the anniversary of this dedication as the date of the feast.
A century after that, Pope Gregory IV (827-844) extended the celebration of All Saints to November 1 for the entire Church.
Ever since then -- for more than a millennium -- the entire Church has celebrated the feast of All Saints on November 1st.
Sa katahimikan, manalangin tayo ng panalangin ng pasasalamat sa pagtawag sa atin ng Diyos na maging banal at sa tulong ng mga banal, humingi tayo ng mga biyaya upang maisabuhay ang mga katangian ng mga banal at ang “Mapapalad”. Ipanalangin din natin ang mga kaluluwa sa purgatoryo.
Takdang Aralin:
Humanap at magbasa ng mga kuwento tungkol sa mga santo at santa.
Ibahagi sa iyong mga friendship sa facebook, friendster, etc.
Tularan ang kanilang mga katangian.
10.03.2009
NANG MAGTAGPO ANG LANDAS NINA STA TERESITA AT ONDOY SA MUNTI NGUNIT BINAHANG DAAN
[Isinulat noong ika-1 ng Oktubre, 2009 sa Kapistahan ni Santa Teresita ng Batang Jesus]
Si Santa Teresita ng Batang Jesus na isang madreng Carmelita ang aking naging katekista upang ituro ang landas ng pagpapakabanal sa pamamagitan ng pagtawid sa munting daan – ang “way of spiritual childhood.” Ipinahayag ni Santa Teresita sa kanyang talambuhay: “The Story of a Soul” kung paano ako makipag-ugnayan sa mapagmahal na ating Diyos. At ito ay ang pagtulad sa mga katangian ng isang munting bata.
Si Ondoy ay ang bagyong humagupit sa buhay ng mga Pinoy na nagdala ng malakas na pagbuhos ng ulan, sapat na upang balutin ng baha ang Metro Manila at mga karatig pook lalo na ang Marikina at Rizal province. At sa kanyang paglisan, isang malagim na pinsala ang idinulot. May buhay na nasawi. Winasak na bahay. Inanod na mga kagamitan. Paghihirap ng katawan at kaluluwa. Isang peklat na dadalhin habang nabubuhay. At isang bata lamang ang may kagagawan nito. . . si Ondoy [sa Cebuano: little naughty boy].
Pwede nang pagpasensiyahan si Ondoy dahil siya ay isang bata. Walang alam kundi maglaro at gumawa ng kalat. At upang di maperwehisyo ang mga matatanda, dapat alam na nila ang kanyang gagawin. Ngunit hindi nga naging handa ang mga matatanda kaya ng mag-alburuto ang bata, doble o trepling pinsala ang binigay.
Sa sobrang paghihinagpis at paghihirap na dulot ni Ondoy paano ba natin dadalhin ang sakunang nangyari at paano ba natin ito titingnan ayon sa ating pananampalatayang Kristiyanong Katoliko.
Si Santa Teresita ay nagbigay ng liwanag at pag-asa upang malampasan natin ang malagim na karanasan na ito at harinawa ay maghatid sa atin ng pagbabagong buhay.
Tumingin tayo sa mga munting bata. Ano ang nakikita ninyo sa kanila? Ano ang kanyang mga katangian.
Ang munting bata ay madaling tumanggap anuman ang ibigay mo sa kanya. Bigyan mo siya ng kendi, kukunin niya agad ito na walang pag-aalinlangan. Bigyan mo siya ng malakas na ulan at baha, maglalaro siya sa ulan at baha. Dahil alam niya na di siya pababayaan ng kanyang ama’t ina.
Binigyan tayo ng malakas na ulan at baha ni Ondoy, at pakiwari ko, mahirap tanggapin sapagkat malaki ang nawala sa atin. Nawala ang buhay ng kamag-anak natin. Nawala ang ating bahay. Nawala ang mga gamit na pinundar natin at hindi pa tapos sa pagbabayad. Nasira ang mga kagamitan na iniingatan natin sapagkat may halaga sa atin. Halos walang matira sa ‘tin kundi ang mga saplot sa ating katawan. Mahirap at hindi madaling tanggapin. Subalit, upang malampasan natin ang mga bigat na dinadala sa puso natin, kailangan ay marunong tayong tumanggap. Kahit masakit sa kalooban natin. Kailangan tanggapin. Tulad ng isang bata, tanggapin natin itong walang pag-aalinlangan sapagkat and’yan ang Diyos Amang mapagmahal na kumakalinga sa atin. Hindi niya tayo pababayaan. Magbibigay siya ng mga taong tutulong at kakalinga sa atin. Magtiwala ka lamang.
Ang munting bata ay mahina. Sa kabila ng kanyang kahinaan, naroroon ang kanyang pagiging mapapakumbaba.
Maaaring sisihin natin ang Diyos sa mala-delubyong ulan at baha. Okay lang ‘yan. Human level, iyan ang unang magiging reaction natin. Bahagi ‘yan ng kahinaan natin, ang sisihin ang iba. Pero, huwag tayong manatili dito, bagkus lampasan natin ito. Huwag tayong patatalo sa ating mga emosyon. Buksan natin ang ating puso at isipan. Magkaroon ng bagong pagtingin sa sitwasyon. Ayaw ng Diyos na mangyayari ito sapagkat mahal niya tayo subalit maaaring hinayaan niyang mangyari ito upang higit pa tayong magtiwala sa kanya. Sa ganitong sitwasyon, wala tayong ibang makakapitan kundi ang Diyos. At kailangan tayong magpakumbaba upang makalapit sa kanya. Ang Diyos ang magbibigay sa atin ng lakas at siya ang ating tagapagligtas. Hinayaan ng Diyos na mangyayari ito sapagkat maaaring nakakalimutan na natin ang Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Wala ng ibang naghahari sa puso natin kundi mga diyus-diyosan ng mundong ito. Ang mga pangyayari ay nagpapakita lamang na walang ibang mas makapangyarihan kundi ang Diyos Ama. Subalit hindi kagagawan ng Ama ang mga pangyayari kundi ng tao mismo na naging iresponsable sa paggamit ng ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. At kabahagi tayo dito. Kung meron mang sisihin, hindi ang Diyos kundi ang ating mga sarili mismo. Dulot ito ng ating mga kasalanan. Ang kasalan ang sumisira sa ugnayan ng Diyos at tao. Sinira ng kasalanan ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Sinira ng kasalanan ang kaayusan. Tulad ng munting bata, tayo ay may mga kahinaan. At ang Diyos ang ating kalakasan. Ang kanapang ito ay maaaring isang panawagan sa atin ng Diyos na lumapit sa kanya at magbalik-loob sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal. Isang tanda ng pagiging mapagpakumbaba ay marunong tumanggap na siya ay makasalanan, na siya ay mahina.
Ang munting bata ay dukha. Mahirap. Pobre. Walang kayamanan. Walang pag-aari.
At ito ang mga naging karanasan natin sa nagdaang bagyong si Ondoy. Nawalan ng pag-aari. Halos walang makain. Umaasa lamang sa rasyon at sustento ng kapwa. Subalit huwag tayong matakot na harapin ang mga pangyayaring ito. Sa kabila ng lahat, mamuhay tayong masaya at payapa. Sino ba ang nakakaalam na mangyayari ito sa ating buhay? Ganyan din ang munting bata. Hindi natatakot na madapa sapagkat alam niya na nandiyan ang kanyang mga magulang upang ibangon at buhatin siya. Nandyan ang kanyang mga magulang upang siya ay damayan. Nandyan ang kanyang mga magulang upang siya ay subuan at pakainin. Nandyan ang ating Diyos na nagmamahal, nakikiisa sa ating mga paghihirap. Nababatid nya ang ating nararamdaman at saloobin. Hindi niya tayo pababayaan. Nagpapadala siya ng mga taong tutulong sa atin. Ang mahirap nito, sa kabila ng ating kahirapan ay patuloy pa rin tayong mapagmataas at mayabang. Sa kabilang banda naman, ang mga di nasalanta, ay patuloy na nagdadasal at tumutulong sa mga naapektuhan ng tantrum ni Ondoy. Ang pagiging dukha ay hindi nangangahulugan na wala kang pag-aari kundi sa kabila ng mga kayamanan mo, sa Diyos ka pa rin umaasa at lumalapit. At ang kayamanang ipinagkatiwala ng Diyos ay ipinapamahagi sa kapwa.
Ang munting bata ay payak at simple.
Isang eye opener ang nangyaring bagyo ay pagbaha. Maaaring ang ibig sabihin nito ay mamuhay tayong simple. Baguhin ang uri ng ating pamumuhay. Ang ating lifestyle. Mamuhay tayo tulad ng munting bata. Simple. Walang inaalaala na may mawawala sa kanya sapagkat wala siyang pag-aari o kayamanan na mananakaw o mawawala, masisira o aanurin. Kung kaya siya ay masaya ay payapang namumuhay kung ano meron siya. Sa panahon natin ngayon parang mahirap ang mamuhay ng simple sapagkat napapalibutan tayo ng mga material na bagay na lalong nagdudulot ng paghihirap. Mamuhay tayong simple sapagkat ang Diyos ang pupuno sa ating mga kakulangan. Kasama dito ang pagbabago ng ating pag-iisip dahil ang isip ang nag-uudyok sa tin kung ano ang gagawin. Ang munting bata ay simple kung mag-isip.
Ang munting bata ay mapagtiwala. Kahit di ka kilala, lalapit siya sa’yo at ipadadama ang pagyakap na puno ng pagmamahal.
Sa oras ng kagipitan, naipakita natin ang ating pagtitiwala sa mga taong handang sumaklolo at tumulong sa atin. Nagtitiwala tayo sa mga taong nagbibigay ng pagkain at nagluluto ng pagkain para sa atin. Higit sa lahat, ipinakita natin ang pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga panalangin. Sa oras ng kahinaan natin, naroroon ang lakas ng loob na ialay ang sarili sa Diyos. Ipinagkatiwala natin ang ating buhay sa Diyos sapagkat naniniwala tayo na siya ang ating tagapagligtas. Kahit dumaan na ang bagyong si Ondoy, patuloy pa rin tayong magtiwala sa Diyos.
Ang munting bata kahit siya ay mahirap at simple, ang tanging kayamanan niya ay pag-ibig. Oo, pag-ibig. Kung magmahal ang bata ay ibinibigay n’ya ang lahat. Mararamdaman mo ito sa kanyang mga yapos at halik.
Nawalan man tayo ng kapamilya at kapuso, nawalan man tayo ng bahay, kagamitan, ngunit hindi nawala sa atin ang pag-ibig. Ito ang kayamanang naiwan sa atin na ating ipagmalaki. Sa kabila ng mga paghihirap na dinanas sa kasagsagan ng bagyo at baha, naroroon pa rin ang ang ating pagtulong sa kapwa. Pag-ibig sa kapwa, ito ang ating payabungin at paunlarin at ibahagi. Ang munting ginagawa natin na may pagmamahal ay magdadala sa atin sa kabanalan. Dahil sa pag-ibig, lahat ng paghihirap at pagdurusa ay ating madadala at iaalay sa paanan ni Jesus na nakapako sa krus. Nawa’y an gating karanasan sa bagyong si Ondoy ay higit pang magpatibay ng ating pag-ibig sa Diyos at kapwa. “Dukha man ako sa lahat, ang tangi kong yaman ay mabuhay sa pag-ibig” – Santa Teresita – “Ang aking Bokasyon ay Pag-ibig”
Sa pagtatagpo ng landas nina Santa Teresita at Ondoy sa munti at binahang daan, matagpuan din nawa natin ang ating mga sarili. Hindi lamang ang loob ng bahay ang ating linisin kundi higit sa lahat ang putik sa kalooban natin. Itapon na rin natin ang dating mga sarili at magbihis ng bagong damit ng pananampalatayang may paniniwala, pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ilang Ondoy man ang dumarating sa ating buhay, ianod man mga kagamitan ng baha kung lalanguyin natin ang munting daang itinuro ni Santa Teresita, wala pa ring makagagapi sa ating pananampalataya kay Kristo Jesus.
9.07.2009
KAARAWAN
Kaarawan. Isang araw na karugtong na ng ating buhay. Ito ang araw ng ating kapanganakan. Araw kung saan ay ipinagdiriwang ang buhay . . . buhay na regalo sa atin ng Diyos
.
Sa tuwing sasapit ang ating bertday, iba’t-ibang damdamin ang lumilitaw depende sa kalagayang pangkasalukuyan. Pinapahalagahan natin ang araw na ito sa iba’t-ibang pamamaraan. Isa na rito ay ang nakaugalian na nating magbigay ng regalo. Regalo na babagay sa may kaarawan. Kahit sabihin pangkapos sa buhay, gagawa ng paraan upang mapaligaya lamang ang may kaarawan.
Kaya, habang papalapit ang kaarawan ng ating Mahal na Ina na si Maria, iniisip ko kung anong regalo ang maihahandog ko sa kanya. Subalit, ako ang na sorpresa. Anong ligaya ang aking naramdman sa biyayang hatid ng ating ina. Binigay n’ya sa akin ang isang pangarap na matagal ko ng minimithi. Na sa akala ko matagal pa bago mangyari o baka hindi na mangyari pa. Ngunit, naganap nga, ilang minuto bago ang pagsapit ng kanyang kaarawan. Ipinakita at itinuro sa akin ng ating Ina ang pamangkin ko na matagal ng nawalay sa piling namin, halos 15 years na ang nakaraan. Ngayon, magkakaroon muli kami ng ugnayan ng buhay na kaugnay ng buhay ko. Ang buhay na karugtong na ng aming buhay.
Masaya ako sapagkat, si Mama Mary ang may kaarawan ang siyang nagbigay ng regalo sa akin. Regalo na dulot ay kapayapaan. Muli, ipininakita at ipinadama ng Ina ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Magtiwala lamang sa kanya at iyong makikita.
Karaniwan ng kaganapan sa araw ng ating kapanganakan ay ang ipinagdiriwang itong may kasamang salu-salo. Isang handaan kung saan inaanyayahan ang ating kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, ka-opismeyt, at lahat ng mga taong malapit sa ating puso – mga kapuso.
Sa kaarawan ni Maria, isang natatanging regalo ang kanyang hinahandog sa atin. Isang handaan. Espesyal na salu-salo. Kung saan lahat tayo ay inaanyayahan. Dinadala tayo ni Maria sa handaang hinihanda ng kanyang Anak na si Jesus – ang Banal na Eukaristiya – ang tipan ng pag-ibig. Si Jesus ang Buhay. Si Jesus ang Liwanag.
Sa ating kaaarawan, marapat lamang na tayo ay nagpapasalamat sa buhay na handog ng Diyos sa atin. Sa kaarawan ni Maria, nagpapasalamat ako sa regalong handog niya. At nagpasalamat ako sa Diyos sapagkat ibinigay niya sa atin si Maria, na napupuno ng grasya, na magiging daan upang isilang ang Diyos sa piling natin – ang Emmanuel.
Sa kaarawang ito ni Maria, nawa’y maisilang din siya sa ating puso upang matularan natin siya sa kanyang kagandahang-loob at pag-aakay ng kapwa patungo kay Jesus. Mama Mary, maligayang kaarawan sa’yo! Happy Birthday, Mama Mary! Mahal kita!